“ALAM mo naiinggit ako sa iyo Carding, kahit na hirap na hirap kayo sa buhay, nakikita ko ang magandang pagsasama ninyong mag-asawa…”
Napangiti lamang si Carding.
“Maligaya rin kami Mang Mon kahit na wa lang makain. Basta ang nasa isip ko ngayon, balang araw e makakaahon din kami rito. Dito sa dalawang anak ko ako nag-aalala. Gusto ko rin sanang mabago ang buhay nila.”
Lalo akong humanga kay Carding. Mabu-ti pa siya at labis ang pagmamahal sa dalawang anak samantalang ako, nagawa kong pabayaan ang aking dalawang anak. Tala gang masama akong ama. Tinalo pa ako ng isang amang katulad ni Carding na maski yata nasa palad na ang kanin at isusubo na lamang ay ibibigay pa sa anak. Ako, natiis ko ang aking asawa at dalawang anak na walang ma gastos at makain para lamang maibigay sa putang si Diana. Ang tanda kong tanga. Kung kailan ako nagka-edad ay saka naisip magloko. Pinakain lamang ng kapirasong karne ay nalimutan na ang responsibilidad.
“Hindi ka bagay sa lugar na ito Mang Mon. Sa tingin ko e maganda naman ang trabaho mo sa Saudi at siguro e malaki ang sahod mo…”
“Malaki ang sahod ko sa Riyadh, Carding. Kaya nga ang lakas ng loob kong sustentuhan si Diana e.”
“Napakaganda ba talaga ng babaing yon Mang Mon at masyado kang natangay?”
Tumango lamang ako. Kung sasabihin ko pa ang itsura ni Diana kay Carding ay baka lalo lamang madagdagan ang nada rama kong pagkasuklam sa babaing iyon. Mas magandang huwag ko nang sabihin pa ang mga panlabas na anyo ni Diana.
“Bukas po Mang Mon ay umuwi ka na sa inyo. Sa palagay ko tatang gapin ka naman ng asawa mo.”
“Oo nga Carding. Naisip ko, malaki pa ang pag-asang matanggap ako ni Delia.”
“Huwag mo na ring hanapin pa ang babaing nanloko sa’yo, Mang Mon. Baka yung nadikwat sa’yo e madikwat din sa kanya. Di ba kung ano raw ang ginawa mo sa kapwa mo, ganundin ang gagawin sa’yo?”
Humanga ako kay Carding.
“Sige Mang Mon, ma tulog ka na. Bukas nang maaga e ihahatid kita sa sakayan ng dyipni.”
“Salamat Carding.”
Iniunat ko ang aking katawan sa karton na nakalatag sa semento. Ginawa kong unan ang aking maleta. Pumikit ako hanggang sa tuluyang mawala sa pandinig ko ang ingay ng dyipni, ingay ng ilog, huni ng mga daga at kung anu-ano pang kaluskos sa bahaging iyon ng pampang ng Ilog Pasig.
Kinabukasan, bago pa lamang pumupula ang silangan ay naramda-man ko na ang pagtampal ni Carding.
“Umaga na Mang Mon. Ihahatid na kita sa sakayan,” sabi nito. “Patungo na rin kasi ako sa trabaho ko e…”
“Sige, Carding.”
Nasulyapan kong tulog pa ang mag-ina ni Carding. Mahimbing na mahimbing sila sa pag tulog.
Bitbit ko ang maleta, habang naglalakad ay nagkukuwentuhan kami ni Carding. Bitbit ni Car-ding ang lalagyan ng sigarilyo. Kailangan daw na agahan niya ang pagtu ngo sa may parada- han ng dyipni para makarami. Ngayon daw ay sa may Carriedo — sa ilalim ng LRT siya magtatawag ng pa sahero at mamayang hapon ay sa may Post Office. Kailangang maka-kita siya ng P200 para makaraos ang pamilya niya.
Nang makarating kami sa may McArthur Bridge ay itinuro niya sa akin ang sasakyang dyipni patungo sa terminal ng bus na sasakyan ko naman pauwi sa amin.
Bago ako sumakay ng dyipni, dinukot ko ang aking pitaka at kinuha roon ang P200. Mayroon pa akong natirang P400. Itinira ko ang P200 para pamasahe.
“Salamat Mang Mon. Malaki ang maitutulong nito para sa pamilya ko.”
Tinapik ko ang balikat ni Carding.
“Salamat din, Car-ding. Magkikita pa rin siguro tayo sa darating na panahon.”
“Puntahan mo lang ako sa paraiso namin Mang Mon,” sabi at nagtawa.
Sumakay ako ng dyipni. Wala pang trapik kaya mabilis akong nakarating sa bus station. Tamang-tama na paalis na ang bus patungo sa amin. Nagmamadali akong sumakay. Ilang minuto pang paghihintay at umusad na ang bus.
Habang tumatakbo sa expressway, iniisip ko na ang mga sasa bihin kay Delia. Sana maintindihan niya ako.
(Itutuloy)