Ninong (ika-92 na labas)

“NGAYON lamang po ako nakarinig ng gan­yang kuwento,” sabi sa akin ng lalaki na ang pangalan ay Carding.

“Mahirap paniwa­laan ano pero totoo. Ako nga mismo sa sarili ko, hindi ko aka­lain na mangyayari ito sa akin.”

“Ano po ang nang­yari sa inyo Mang Mon?” tanong ni Car­ding na nagka­roon ng interes sa kasay­sa-yan ng aking bu­hay. Talaga sigu­rong noon lang siya ma­kakarinig ng ga­noong kuwento.

Isinalaysay ko ang lahat. Pati na rin ang pagkikilala namin ng asawa ni Diana sa Riyadh. Ang pagka­ka­roon namin ng relas-yon at ang pagkikila-    la namin ni Diana na naging dahilan para kami makagawa ng kasalanan. Ikinuwento ko ang pagpapadala ko ng pera kay Diana na kahit na walang makain ang pamilya ko. Mas pinili ko pang padalhan dahil sobra na nga ang pagkaulol ko sa baba­ing iyon.

“Nasaan na po ang asawa ni Diana?”

“Patay na raw. Na­laman kasi ang pagta­taksil namin ni Diana.”

“Ang saklap na­man.”

“E si Diana po, Mang Mon?” “Biglang nag­laho matapos na ma­ipadala ko ang aking malaking pera.”

“Ang laki po pala   ng kasalanan mo sa iyong pamilya, Mang Mon.”

“Malaki talaga, Car­ding.”

“Pero siguro naman po mapapatawad ka pa ng asawa mo. Mag­sabi ka lang siguro ng totoo at mangako na hindi na mauulit ang nangyari.”

“Hindi ko yata ka­yang umuwi sa amin, Carding. Wala akong mukhang ihaharap sa kanila.”

“E bakit nga pala   nag­papalabuy-laboy ka Mang Mon e siguro na­ man e meron kang ka­mag-anak dito sa Manila.”

“Nahihiya ako. Baka ako pagtawanan.”

“Para sa akin Mang Mon siguro dapat ka nang umuwi sa inyo   at humingi ng tawad. Iyon na lamang ang maaa­ring magawa kaysa magpalabuy-laboy at maging taong-grasa. Me pag-asa ka pa naman, Mang Mon.”

Tama nga yata si Carding. Puwede pa akong magbagum­bu­ hay. Kaysa ubusin ko ang panahon sa pag­ha­hanap sa pu­tang si Diana, umuwi na la­mang ako at humingi ng tawad. (Itutuloy)

Show comments