Ninong (ika-92 na labas)
“NGAYON lamang po ako nakarinig ng ganyang kuwento,” sabi sa akin ng lalaki na ang pangalan ay Carding.
“Mahirap paniwalaan ano pero totoo. Ako nga mismo sa sarili ko, hindi ko akalain na mangyayari ito sa akin.”
“Ano po ang nangyari sa inyo Mang Mon?” tanong ni Carding na nagkaroon ng interes sa kasaysa-yan ng aking buhay. Talaga sigurong noon lang siya makakarinig ng ganoong kuwento.
Isinalaysay ko ang lahat. Pati na rin ang pagkikilala namin ng asawa ni Diana sa Riyadh. Ang pagkakaroon namin ng relas-yon at ang pagkikila- la namin ni Diana na naging dahilan para kami makagawa ng kasalanan. Ikinuwento ko ang pagpapadala ko ng pera kay Diana na kahit na walang makain ang pamilya ko. Mas pinili ko pang padalhan dahil sobra na nga ang pagkaulol ko sa babaing iyon.
“Nasaan na po ang asawa ni Diana?”
“Patay na raw. Nalaman kasi ang pagtataksil namin ni Diana.”
“Ang saklap naman.”
“E si Diana po, Mang Mon?” “Biglang naglaho matapos na maipadala ko ang aking malaking pera.”
“Ang laki po pala ng kasalanan mo sa iyong pamilya, Mang Mon.”
“Malaki talaga, Carding.”
“Pero siguro naman po mapapatawad ka pa ng asawa mo. Magsabi ka lang siguro ng totoo at mangako na hindi na mauulit ang nangyari.”
“Hindi ko yata kayang umuwi sa amin, Carding. Wala akong mukhang ihaharap sa kanila.”
“E bakit nga pala nagpapalabuy-laboy ka Mang Mon e siguro na man e meron kang kamag-anak dito sa Manila.”
“Nahihiya ako. Baka ako pagtawanan.”
“Para sa akin Mang Mon siguro dapat ka nang umuwi sa inyo at humingi ng tawad. Iyon na lamang ang maaaring magawa kaysa magpalabuy-laboy at maging taong-grasa. Me pag-asa ka pa naman, Mang Mon.”
Tama nga yata si Carding. Puwede pa akong magbagumbu hay. Kaysa ubusin ko ang panahon sa paghahanap sa putang si Diana, umuwi na lamang ako at humingi ng tawad. (Itutuloy)
- Latest
- Trending