^

True Confessions

Ninong (ika-90 na labas)

- Ronnie M. Halos -

SIGURO’Y ako la­mang ang dating OFW sa grupo ng mga taong nasa pam­ pang ng Ilog Pasig sa dakong iyon ng Es­colta. Sino ang mag-aakala na ang dating OFW na sumusu­wel­do ng dollar ay ha­hantong sa ganitong lugar. Ngayon ko na­isip, walang naka­aalam sa maaaring mangyari sa isang tao. Maaaring ngayon ay buhay ka at ma­aaring mamaya lang ay matigas ka nang bangkay. Maaaring ngayon ay may pera ka pero mamaya lang ay simot na iyon. Gan­yan ang nangyari sa akin. At gusto kong sisihin ang sarili ko. Ako at wala nang iba ang dapat sisihin kung bakit nangyari ito sa akin. Nagpatangay ako sa tawag ng laman at inapi ang aking asawa at mga anak.

Ngayon ko labis na na-realized ang mga kasalanang nagawa ko. Kung noon ay wala sa isip ko ang katagang pagsisisi, ngayon nagsi­sisi na ako. Dahil sa ka­ta­kawan ko sa kapira­song laman na inalok ni Diana, ito ang napala ko.

Ang hindi ko lamang malaman ngayon at nag­tatalo ang aking isip ay kung dapat na nga ba akong umuwi sa bahay at magtapat sa aking asawa. Hindi ko yata kayang sabihin ang mga nangyari. At paano kung hindi ako mapatawad ni Delia? Napabuntung­hininga ako.

Napansin ko ang pag­lamig ng sikat ng araw. Malapit nang lumubog. Nakasalam­pak ako sa sementa­dong pampang at pilit inaliw ang sarili sa pagtanaw sa araw na nilalamon ng tubig.

Hanggang sa ma­pansin ko ang mag-anak na iyon sa di-kalayuan sa akin. Tila dito na sila nakatira. Inilalatag nila ang karton para mag­silbing higaan nila. Sa tingin ko, tanggap na nila ang kapalaran.

(Itutuloy)

AKO

DAHIL

DELIA

HANGGANG

ILOG PASIG

INILALATAG

ITUTULOY

MAAARING

NGAYON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with