^

True Confessions

Ninong (58)

- Ronnie M. Halos -

“WALA ka bang ipa­dadala, Ninong?” ta­nong ni Jigo na iki­nagulat ko.

“Ha? A e wala! Wala!”

“Pera baka mag­papadala ka ng pera kay Ninang. Para naman makapunta ako sa inyo at makita ko si Ninang.”

“Hindi na. Sala­mat na lang.”

Iyon lang at luma­bas na si Jigo. Ha­lata kong excited siyang makauwi. Iyon ang ikalawa niyang uwi. Ang una ay noong ikasal sila ni Diana. Ano kaya ang mangyayari ka­pag nalaman niyang hihiwalayan na siya ni Diana? Tiyak na pagdating niya sa bahay nila sa Mi­guelin ay wala na si Diana. Umalis na ito at hiwalay na sila.

Wala akong sina­yang na pagkakataon, agad kong tinawagan si Diana at sinabi ang pag-uwi ni Jigo. So­sorpresahin daw siya.

“Umalis ka na sa bahay n’yo dahil pauwi na si Jigo…” sabi ko.

“Oo. Sige. Iniim­pake ko ng mga damit ko.”

“Saan ka muna tu­tuloy?”

“Bahala na. Basta pagdating niya rito. Wala na ako.”

“Gamitin mo ang pinadadala kong dollars para sa paghanap ng mauupahan. Pada­dalhan agad kita pag­suweldo.”

“Oo. Dagdagan mo padala ha. Mahirap nang mabitin.”

“Oo. Sige.”

“Sigurado kang pa­uwi na si Jigo ha?”

“Oo. Galing siya rito kanina.”

“Sige Ninong. Ka­ilan mo ba balak umuwi”

“Text ko sa’yo. Tayo na ang mag­sasama pagbalik ko diyan. Baka tapusin ko na ang kontrata.”

“E di malaki ang makukuha mo?”

“Oo naman.”

“Sige pangako ’yan ha?”

Natapos ang usa­pan namin.

Iyon nga ang ba­lak ko. Tatapusin ko na ang kontrata ko para ganap kaming magkasama.

(Itutuloy)

IYON

JIGO

NINANG

OO

SHY

SIGE

SIGE NINONG

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with