^

True Confessions

Ninong (ika-55 na labas)

- Ronnie M. Halos -

MADALING-araw na ako nang makatulog. Pinuyat ako nang ma­tinding pag-iisip kay Diana. Ibang klas­eng babae iyon na ma­bagsik ang alaala. Na­alala ko ang mainit naming pag­ tatalik. Na­kasisira ng   isip talaga. Naipangako ko na talagang baba­likan ko si Diana para malasap ang mainit na­ming pagsasalo.

Kinabukasan sa service bus ay mag­ka­hi­ walay na kami sa upuan ni Jigo at sa akin ay ba­lewala iyon. Kahit na nga alam kong sa amin na­kapokus ang aten­siyon ng mga ka­samahan na­min sa trabaho ay hindi ko pinapansin. Wala akong pakialam.

Nang nasa opisina na kami ay isang ka­samahan kong hindi yata makali at gustong malaman ang dahilan ng paghihiwalay namin ni Jigo ang lakas loob na nagtanong.

“Break na yata kayo ni Jigo,” sabing naka­ngisi. Noon pa lantad na ang aming “tagong relasyon”.

“Oo. Me bago na raw siya,” sagot ko.

Nagtawa ang ka­usap ko.

“Nagsawa na sa’yo. Amoy lupa ka na kasi,” sabi pa at nagtawa na naman.

“Nilayasan na nga ako sa kuwarto. Pag­da­ting ko kagabi, nag­lipat na. Ewan ko kung bakit bigla-bigla. Siguro nga e may bago na.”

“Ano bang dahilan ng away?”

Umiling lamang ako.

“Siguro tampuhang mag-asawa lang ‘yan.”

“Hindi siguro.”

Nagtawa ang kau­sap ko.

“Bakit naman?”

“Basta. Pangma­ta­galan na ito. Wala nang balikan.”

Nagtawa ang ka­usap ko. Lumayo na siya. Tiyak ko, parang apoy na ka­kalat ang mga sinabi ko. Si Jigo ang malalantad sa ka­hihiyan, ha-ha-ha! Ma­bibilad na nang husto ang kanyang pagkatao.

Lumipas pa ang mga araw. Tinupad ko ang mga pinangako ko kay Diana na padadalhan ko siya ng dollars. Iyon ang panlaban ko para sa pag-uwi ko, ay hindi na siya makatatanggi. At ibibisto ko na rin sa kan­ya na ang kanyang si Jigo ay isang bina­bae. Para mapilitan siyang hiwalayan ito   at kami na ang mag­sama.

(Itutuloy)

AMOY

ANO

JIGO

NAGTAWA

SHY

SI JIGO

SIGURO

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with