NAGTAKA ako nang dumating sa King Khalid International Airport (KKIA) na walang sundo. Inaasahan ko nang naroon si Jigo. Alam kasi niya ang araw ng dating ko. Siya pa ang nagsabi sa akin na susunduin ako. Bakit kaya wala? Baka nalimutan. Ni hindi man lamang ako naka-pag-text sa kanya.
Pero okey lang. Baka nakakita na ng ibang lalaki at iyon ang kinahuhumalingan. Okey lang. Sabagay nagsasawa na rin naman ako. Parang nakadarama na ako ng karumihan.
Nag-limousine na ako patungo sa hotel na aming tirahan. Kulang-kulang na isang oras din na takbuhin ng limousine ang aming tirahan.
Habang tumatakbo ang limousine ay si Diana ang aking naiisip. Matagal pa bago kami magkita muli — isang taon pa. Baka masira ang ulo ko sa pagkainip. Kung bakit kasi nataon pang nagpunta ang mga biye-nan niya. Ako tuloy ang apektado.
Pasado alas-diyes na nang makarating ako sa aming tirahan. Kung bakit hindi ako sinundo ni Jigo ay malalaman ko.
Hindi na ako kumatok at pinihit ang seradura ng aming pinto. Naka-lock. Kumatok ako. Baka isinara talaga ni Jigo at natutu-log na. Walang sumasagot. Kumatok pa ako. Wala talaga. Baka naman nasa ibang kuwarto at may katalik na iba. O baka naman lumipat na sa ibang kuwarto. Kung anu-ano na ang naisip ko. Bahala siya sa buhay niya!
Napilitan na akong kunin sa guard sa ground floor ang duplikadong susi ng aming kuwarto.
Nang buksan ko ang aming kuwarto ay sumalubong sa akin ang lamig. Ibig sabi-hin, kaaalis lamang ni Jigo at kapapatay lamang ng aircon. Saan kaya nagpunta?
Hindi ko na gaanong binigyan ng pansin si Jigo. Bahala siya sa buhay niya. Kung gusto niya e magkanya-kanya na kami. Nahiga na ako para matulog. Pagod na pagod ako. Masama rin ang loob dahil sa pagkabigong maka-talik si Diana.
Nagulantang ako nang may bumagsak sa dakong paanan ko. Nang tingnan ko kung ano iyon ay nagulat ako. Si Jigo! Nakaupo sa dakong paanan ko. Nang tingnan ko ang relos ay pasado ala-una ng madaling araw. Nakatingin lamang sa akin si Jigo. (Itutuloy)