^

True Confessions

Ninong (52)

- Ronnie M. Halos -

NAGTAKA ako nang dumating sa King Khalid International Airport (KKIA) na walang sundo. Inaa­sahan ko nang naro­on si Jigo. Alam kasi niya ang araw ng da­ting ko. Siya pa ang nagsabi sa akin na susunduin ako. Bakit kaya wala? Baka na­li­mutan. Ni hindi man lamang ako naka-pag-text sa kanya.

Pero okey lang. Baka nakakita na ng ibang lalaki at iyon ang kinahu­huma­lingan. Okey lang. Sa­bagay nagsasawa na rin naman ako. Pa­rang nakadarama na ako   ng karumihan.

Nag-limousine na ako patungo sa hotel na aming tirahan. Ku­lang-kulang na isang oras din na takbuhin   ng limousine ang aming tirahan.

Habang tumatakbo ang limousine ay si Diana ang aking nai­isip. Matagal pa bago kami magkita muli — isang taon pa. Baka masira ang ulo ko sa pagkainip. Kung bakit kasi nataon pang nag­punta ang mga biye-nan niya. Ako tuloy ang apektado.

Pasado alas-diyes na nang makarating ako sa aming tirahan. Kung bakit hindi ako sinundo ni Jigo ay ma­lalaman ko.

Hindi na ako kuma­tok at pinihit ang sera­dura ng aming pinto. Naka-lock. Kumatok ako. Baka isinara ta­laga ni Jigo at natutu-log na. Walang suma­sagot. Kumatok pa ako. Wala talaga. Baka naman nasa ibang kuwarto at may katalik na iba. O baka naman lumipat na sa ibang kuwarto. Kung anu-ano na ang naisip ko. Ba­hala siya sa buhay niya!

Napilitan na akong kunin sa guard sa ground floor ang dup­likadong susi ng aming kuwarto.

Nang buksan ko ang aming kuwarto ay sumalubong sa akin ang lamig. Ibig sabi-hin, kaaalis lamang ni Jigo at kapapatay la­mang ng aircon. Saan kaya nagpunta?

Hindi ko na gaa­nong binigyan ng pan­sin si Jigo. Bahala siya sa buhay niya. Kung gusto niya e mag­kanya-kanya na kami. Nahiga na ako para matulog. Pagod na pagod ako. Masama rin ang loob dahil sa pagkabigong maka-talik si Diana.

Nagulantang ako nang may bumagsak sa dakong paanan ko. Nang tingnan ko kung ano iyon ay na­gulat ako. Si Jigo! Na­­kaupo sa dakong pa­anan ko. Nang ting­nan ko ang relos ay pasado ala-una ng madaling araw. Na­ka­tingin lamang sa akin si Jigo. (Itutuloy)

vuukle comment

AKO

ALAM

AMING

BAHALA

JIGO

KING KHALID INTERNATIONAL AIRPORT

KUMATOK

NANG

SHY

SI JIGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with