^

True Confessions

Ninong (50)

- Ronnie M. Halos -

“PAALIS na ako bukas, Diana,” sabi ko na may himig nang panghihi­ nayang na hindi kami magkakaniig.

“Oo alam ko. E ano ang gagawin ko e nan­dito nga mga biyenan ko. Sige na Ninong at baka lumabas ang bi­yenan kong lalaki e ma­kita ka.”

Putang-ina! Talaga yatang malas ako.

“Tawagan na lang kita bukas. Alas-dose. Nasa airport na ako noon,” sabi ko at uma­ tras para umalis.

“Oo! Sige na!”

Putang-ina talaga! Tumalikod na ako at nag­lakad. Narinig ko pa ang pagsalpak ni Diana sa gate. Malas talaga! Kung wala ang mga bi­ye­nan niya, ang sarap sana ng mga mang­ya­yari sa amin ni Diana. Nag-uulol na ako sa pa­nanabik. Gusto kong mag­huramentado. Ano kaya at kanselahin ko ang aking flight? Pu­ wede na­man si­guro. Iyon ang iniisip ko ha­­bang nagla­lakad pa­tu­ngo sa saka­yan ng dyipni. Kahit na isang araw lang ay ma­ saya na ako basta maka­piling lang si Diana. Gu­ lung-gulo ang isipan ko.

Nakarating ako sa sa­ kayan ng dyipni pero hindi ko pa rin mapag-isipan kung sasakay o hindi sa dyipni. Gusto kong bu­ma­lik sa apartment ni Diana at kulitin. Pero baka ma­eskandalo lamang. At pa­ano nga kung makita kami ng kanyang biye­ nan? Ti­yak na makaka­rating kay Jigo ang mga mang­ya­yari. Naisip ko naman, e ano ba kung ma­laman ni Jigo. Wala na akong pakialam. Kahit na magkahiwalay na kami ni Jigo. Hindi na ako natatakot.

Siguro’y mga limang minuto akong nakatam­ bay sa hintayan ng dyipni. Napilitan na akong suma­kay nang mapansin ko ang dalawang lalaking tila addict na nakatingin sa akin. Baka mga holdaper. Nakadama ako ng takot.

Nang dumating ako sa bahay ay takang-taka si Delia.

“Nasan ang binili mo, Mon?”

“Binili? Anong binili?” may tigas sa boses ko.

“Di ba sabi mo bibili ka ng pasalubong sa mga kasama mo sa Riyadh?”

Putang-ina! Oo nga pala. Pero agad akong nakapag-isip ng isasagot. Gumana na kaagad ang isip ko sa ga­noong gipit na kalagayan.

“A walang tindang pam­ pasalubong. Ang naroon e hopia baboy. Di ba bawal sa Saudi ang baboy?”

Saka lamang tumigil sa katatanong si Delia. Pero nahahalata kong tila may naiiwan pa ring ka­ tanungan sa isip niya.

Nagmahalan kami ni Delia ng gabing iyon. Ang pagkayamot ko kay Diana ay ibinuhos ko kay Delia. Pero hindi ko kayang da­ yain ang aking sarili na mas masarap katalik ang mas bata at sariwa na gaya ni Dia­na. Ahhh, Diana.

Kinabukasan, alas-nuwebe pa lamang ay umalis na ako sa bahay at nagtungo sa NAIA. Ala-una pa ng hapon ang flight ko. Mas okey na nasa airport na ako para hindi ma-late. Isa pa gusto kong maka­usap nang masinsinan sa cell phone si Diana. Kahit sa phone man lamang ay maibsan ang aking nada­ ramang init sa kanya. Kahit boses na lang niya ay okey na rin sa akin.

(Itutuloy)

AKO

DELIA

DIANA

JIGO

KAHIT

OO

PERO

PUTANG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with