MERON palang ganoong love story. Unang pagkikita pa lamang ay nagkaunawaan na sina Ate Flora at Van. Maski sa pelikula o sa kuwen tong komiks at prosa ay wala pa akong nalaman na nagkasundo agad ang lalaki at babae. Siguro’y sila talaga ang para sa isa’t isa. Pareho pa silang walang nagiging kasintahan. Sila ang una sa isa’t isa. Kakaiba talaga ang love story ng aking kapatid na si Ate Flora.
Sa pagkakataong iyon, na alam kong nag kaunawaan na ang kanilang damdamin, saka ako nagtungo sa salas para isilbi ang meryenda. At naabot ko pang pinipisil-pisil ni Van ang kanang palad ni Ate. At hindi inalis ni Van ang pagkakahawak sa palad kahit nasa harapan na nila. Sadyang ipinakikita marahil sa akin kung gaano niya kamahal ang aking kapatid.
“Kumain muna kayong dalawa,” sabi kong nakangiti.
“Salamat Ara.”
“Baka coffee ang gusto mo Van, may coffee rito.”
“Hindi okey sa akin ang juice. Salamat.”
At hindi ko inaasahan na ipagtatapat ni Van sa akin ang matinding pag-ibig na iniuukol niya kay Ate. Siguro’y masyado siyang masaya dahil nagkaunawaan na sila.
“Mahal ko ang kapatid mo, Ara. Sana ay hindi ka tutol sa akin...”
“Bakit naman ako tututol sa iyo e sobrang bait mo. Bagay na bagay nga kayong dalawa ng Ate ko.”
“Salamat, hipag.”
“Walang anuman, bayaw.”
“Hayaan mo hipag at isa ka sa aming magiging abay sa kasal.”
“Ay ang saya naman. Kailan n’yo balak magpa kasal?”
“Pag-uusapan na namin, Ara. Basta ngayong taon na ito.”
“Oo nga Van. Kasi hindi na tinedyer si Ate at saka ikaw din di ba?”
“Oo nga,” sabi at humalakhak si Van.
Nang bumaba si Mang Leon ay nagulat sa pagkat nakita niya kung paano nagpakita ng pagmamahal sa bawat isa sina Ate at Van. Hindi marahil makapaniwala si Mang Leon na ang unang pagkikita nina Ate at Van ay agad magkaka roon nang isang magan dang resulta.
“Ibig n’yo bang sa bihin ay okey na kayong dalawa?”
“Okey na Daddy.”
“Aba e umakyat lang ako sandali ah, pagbalik ko’y nagkakaunawaan na kayo.”
“Mahal na mahal po kasi namin ang isa’t isa Daddy,” sabi ni Van.
“Totoo po yon, Mang Leon, este Daddy pala,” sabi naman ni Ate.
(Itutuloy)