^

True Confessions

Ate Flora (ika-82 na labas)

- Ronnie M. Halos -

NAGIMBAL kami ni Ate Flo­ra sa ikinuwento ng dati na­ming kapitbahay sa Pasong Tirad. Natag­puang patay sa tirahan si Raquel. Pinag­sasaksak. Ang sabi raw ng mga pulis, ang ka-live-in nito ang suspect. Narinig daw ng mga kapitbahay na nag­tatalo sa pera. At natag­puan na nga ang bangkay na duguan pagkaraan ng pagtatalo.

Nang ikuwento sa akin ni Ate Flora ang pangya­yaring iyon ay wala akong nadamang awa sa nang­yari sa babaing nang-api sa amin.

“Nagbayad din siya,” sabi ko.

“Karma iyon, Ara. Nata­tandaan mo ang sinabi ni Mang Leon na ang anumang masamang ginawa sa kapwa ay babalik at mas masakit pa.”

“Natatandaan ko Ate. Karma nga siguro dahil sobra niya tayong inapi. Hindi lang ang Raquel na iyon kundi pati na ang mga anak niya. Imagine, tinangka akong iligaw ng anak niyang si Michelle at ikaw naman ay rereypin ng anak na lalaki. Di ba napakasama nila?”

“Ngayon ay lubusan na akong makakahinga nang maluwag dahil wala na ang mga nang-api sa atin.”

“Ako man Ate. Akalain mo, ang lahat pala ng mga naranasan nating pait ay mapapalitan ng tamis.”

“Tama ka, Ara. At sana nga tuluy-tuloy na ang pagganda ng ating buhay.”

“Kutob ko Ate, tuluy-tuloy na ito. Nararamdaman ko na ma­ gaganda ang mga susu­nod na kabanata ng ating buhay.”

Tama ang mga sinabi ko. Sa pamamagitan ng sipag, tiyaga, pagtitiis at matinding panalangin, natupad nga ang aming mga hiling.

Lumipas ang apat na taon at sabay kaming nagta­pos ni Ate Flora. Ako ay nagtapos ng valedictorian sa high school at si Ate naman ay ng Accounting. Masa­yang-masaya kami. Si Mang Leon ang nagsabit ng medalya ko.

Nakapasa ako sa UP nang sumunod na taon. Si Ate naman ay nagre­view para sa board exam. At isa siya sa mga nanguna bilang CPA.

Ang saya-saya namin. Nagsisimula na talaga ang paggulong nang magandang kapalaran.

(Itutuloy)

ATE

ATE FLO

ATE FLORA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with