Ate Flora (76)
KINABUKASAN, ipina-LBC ni Ate Flora kay Tito Noel ang Xerox copy ng sulat ng kalaguyo ni Raquel. Ma-buti na lang at nakapagtabi pa ako ng kopya. Malinaw na malinaw ang ebidensiya ng kataksilan.
Ini-imagine ko kung paano inaabangan ni Raquel ang padala naming sulat. Baka hindi na umaalis ng gate para lamang siya ang makatanggap ng sulat. Siguro’y hindi malaman ng malanding babae kung paano ang gagawin at nang hindi mabuking ni Tito Noel ang panlalalaki niya.
Pinayuhan naman kami ni Mang
“Lalo na ikaw, Flora. Mag-ingat ka habang nasa trabaho at malakas ang kutob kong gagantihan ka ng Raquel na iyon.”
“Mag-iingat po ako, Mang
“Kapag mayroon kang napansing kakaibang kilos ng tao sa paligid mo, ireport mo agad para may tutulong sa’yo. Ikaw din Ara. Kapag narito ka sa bahay, maging mapagmasid ka.”
“Opo.”
“Sabagay, nandito naman lagi ako sa bahay at nasusubayba-yan kita kaya wala ka dapat ikatakot.”
“Salamat po, Mang
Isang linggo ang nakaraan, hindi namin inaasahan ni Ate Flora ang pagdating ni Tito Noel. Kakaibang Tito Noel ang kaharap namin. Payat, tila nanghihina at para bang punumpuno ng problema.
Noong una ay nag-urung-sulong kami ni Ate Flora kung patutuluyin si Tito Noel. Kasi’y baka maging katulad na naman
“Patawarin n’yo akong magkapatid. Alam ko na ang lahat. Malaki pala ang kasalanan ko sa inyo.”
Parang nabunutan kami nang malaking tinik sa dibdib.
“Ang asawa ko pala ang hayop at hindi kayo. Nalaman ko rin na grabe pala ang pang-aaping dinanas n’yo. Sinabi mismo sa akin ng putang-inang asa wa ko. Buking na siya kaya walang nagawa kundi ang umamin….”
Nagimbal kami sa sinabi ni Tito Noel na hiniwalayan na niya ang asawa. Natuklasan daw niya na ang malaking perang kinita niya sa barko ay ubos na ubos — napunta pala sa lalaki nito. Mahirap pa pala siya sa daga… (Itutuloy)
- Latest
- Trending