Ate Flora (Ika-75 na labas)
TINANONG ni Mang
“Sila po ang mga taong umapi sa amin, Mang
“
Saka lamang umaktong aalis sina Tito Noel at asawang si Raquel. Pero bago umalis ay nakapagbanta pa si Tito Noel sa aming magkapatid na hindi raw kami patatahimikin dahil sa ginawa sa pamilya niya.
At ako ng mga sandaling iyon ay gigil na gigil na sa mag-asawa ay nakapagbitiw na rin ng salita. Ikinagulat iyon ni Ate.
“Hayaan mo Tito Noel at ipadadala ko sa iyo bukas na bukas ang isa pang kopya ng sulat ng pagtataksil ng asawa mo.
Napamaang si Tito Noel samantalang ang asawa ay parang ibinabad sa suka. Hindi malaman ang gagawin.
“Hintayin mo na lang Tito Noel ang sulat,” sabi ko.
Walang nagawa si Tito Noel at ang asawang si Raquel kundi ang umalis.
Nang makaalis na ang dalawang tinik sa aming buhay ni Ate Flora ay saka namin ikinuwento kay Mang
“Sobra palang sakripisyo ang dinanas n’yo sa piling ng asawa ng tito n’yo.”
“Opo, Mang Leon.”
“Mabuti at meron pang natirang ebidensiya sa’yo Ara na magpapatunay na hindi kayo nagsisinungaling. Ipadala mo na agad ang ebidensiya para maputol na ang lahat ng kasamaan.”
“Opo Mang
“Huwag kayong mahihiyang humingi ng tulong sa akin. Kapag may ginawa sa inyong masama ang tito at asawa niya, ako ang kalaban nila…”
Masayang-masaya kami ni Ate Flora sa sinabi ni Mang Leon. (Itutuloy)
- Latest
- Trending