^

True Confessions

Ate Flora (71)

- Ronnie M. Halos -

“NANDIYAN ba Ineng si Cely?” tanong ng matan­dang lalaki.

“Wala po. Nasa agency po siya.”

“A, sige. Babalik na lang ako.”

“Ano po ang inyong pa­ nga­lan?”

“Mang Leon.”

“Sige po at sasabihin ko.”

Umalis na ang matanda.

Nang dumating kinaga­bihan sina Ate Flora at Aling Cely ay may dalang magan­dang balita. Natanggap si Ate sa agency na magpa- pa­alis kay Aling Cely. Clerk doon. Nakita ko sa mukha   ni Ate ang hindi mailara-wang kasiyahan. Sa wakas ay magkakatrabaho na siya.

“Ang problema na lamang ay ang tirahan,” sabi ni Aling Cely. “Sana ay mapakiusapan ko ang may-ari ng bahay na ito na kayong magkapatid na ang tumira rito.”

Sana nga po, Aling Cely,” sabi ni Ate Flora.

“Mabait naman ang may-ari nito eh yon nga lang baka mayroon siyang ibang pati­tirahin.”

Saka ko naalala ang ma-tan­dang lalaking nagpunta kanina.

“Aling Cely me nagpunta po ritong matandang lalaki   na ang pangalan ay Leon…” sabi ko.

“A si Mang Leon. Yon ang may-ari ng bahay na ito. Ano ang sabi?”

“Wala naman po. Basta hinahanap ka lang.”

“Ano kayang kailangan sa akin. Baka kaya paaalisin na ako at mayroon nang titira. Kasi, alam niya na malapit na akong umalis.”

Sana naman ay kami na ang makatira sa bahay na ito,” sabi ni Ate Flora at napabun-tung-hininga.

“Kaya lang Ate, kaya ba nating bayaran ang renta ng bahay na ito?” “Siguro naman ay makakaya ko. Basta mag­sisikap lang tayo,” sabi ni Ate.

“Tama ang sinabi mo, Flora,” sabi ni Aling Cely. “Sikap lang at samahan ng dasal.”

Pinuntahan ni Aling Cely  si Mang Leon sa third floor para malaman ang dahilan kung bakit pinuntahan kanina.

Makaraan ang may kala­hating oras ay bumalik si Aling Cely at masaya ito.

“Mayroon lang palang itatanong sa akin si Leon. Ay naku, kung anu-anong ikinu­wento sa akin. Pagdating ko raw sa Italy ay sulatan agad siya. Mami-miss daw niya ako…”

“Nanliligaw ba sa iyo    Aling Cely?”

“Hindi ko alam.”

“Sagutin mo na po para pag pinakiusapan mo na kami na ang titira rito e pu­mayag agad…”

Aba e sinabi ko nga ang tungkol diyan kanina at payag nga siya…”

“Totoo po, Aling Cely?”

“Oo. Kaya nga masayang-masaya ako. Pag-alis ko sa isang linggo, kayong mag-ka­patid na ang titira rito.”

Hindi kami makapani­wala ni Ate. Parang nanana­ginip lamang kami.

(Itutuloy)

ALING CELY

CELY

PLACE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with