HINDI na kami lumingon pa ni Ate Flora sa pinanggalingan na-ming bahay. Malakas ang kutob ko na gusto kaming habulin ni Tita Raquel para pigilang umalis at nang hindi mabisto ni Tito Noel ang kanyang panlalalaki.
Sa aming paglalakad palayo ay nakita naming nakatingin ang mga tao sa amin. Para bang alam nila ang mga nangyari.
Narating namin ang J. P. Rizal St.
“Saan mo balak na magtungo tayo, Ate?”
“Hindi ko pa nga alam, Ara.”
“At saka paano tayo sasakay ng dyip at ka-kain e wala naman tayong pera.”
“May kaunti akong naitabi, Ara.”
“Saan galing?”
“Sa mga bulsa ng damit nina Tita Raquel at Michelle. Di ba ako naglalaba ng mga damit nila? Hindi ko na ibinabalik sa kanila ang pera.”
“Mabuti at hindi tinatanong kung may naiwan silang pera sa bulsa?” “Hindi. Nakaipon ako ng P500, Ara. Kaya maaari tayong kumain at ma-masahe. Bahala na kung saan tayo matutulog mamayang gabi.”
“Mabuti kaya sa paligid ng simbahan tayo mamalagi, Ate. Kung saka-sakali, maaari tayong hu mingi ng tulong sa pari.”
“Pero saang simbahan? Hindi naman natin kabisado ang Makati.”
“Sumakay tayo Ate ng dyip.”
Naglakad kami patungo sa may Pasong Tamo at nakita namin ang mga dyipni patungong Man trade. Sumakay kami.
Nang makarating sa Buendia, bumaba kami.
“Bakit tayo bumaba Ate?”
“Natatandaan ko ang lugar na ito. Dito tayo nagdaan noong dumating tayo galing probinsiya. Kung dederetso tayo sa Pasong Tamo, baka maligaw tayo. Maganda e bumalik tayo sa terminal ng bus. Baka sakali may makatulong sa atin doon. Malay mo…”
“Sige.”
Sumakay kami ng dyipni na may signboard na Taft Ave.
Habang nakasakay sa dyipni ay nakatingin sa amin ang mga lalaking katapat namin. Ewan ko kung bakit. (Itutuloy)