HINDI ko na sana pakikialaman ang sulat na iyon pero nakatawag sa akin ng pansin ang kulay — pink ang sobre at may halimuyak ng strawberry. Sa ibabaw ng sobre ay nakasulat ang pangalan ni Tita Raquel at sa korner sa da kong kaliwa ay nakasulat ang pangalan ng nagpadala: JOHNNY S. Ang Johnny S. kaya na ito ang lalaking kalaguyo at katalik sa kuwartong ito ni Tita Raquel? Siguro nga ay iyon na ang lalaki. Sa paki wari ko, bago pa lamang naibibigay ang sulat dahil matindi pa ang halimuyak strawberry sa sobre. Hindi na ipinadaan sa koreo ang sulat. Iniabot lamang marahil kay Tita Raquel.
Naisip ko na hindi ma ingat si Tita Raquel sapagkat hinayaan niyang nakalagay sa kabinet na walang susi ang sulat ng ibang lalaki. Paano kung biglang dumating si Tito Noel at makita ang sulat? Hindi siya makapagkakaila dahil matibay ang ebidensiya.
Atubili ako kung babasahin o hindi ang sulat. Sa bandang huli, ipinasya kong basahin. Alam kong mali ang basahin ang sulat ng ibang tao pero sa pagkakataong ito ay iba nang usapan dahil ang niyuyurakan. Nagpasya akong buksan ang sulat na iyon. At nagulat ako nang may masalat na makapal sa loob ng sobre. Nang buklatin ko ay isang picture. At hindi ako nagkamali na ang Johnny S. na nakasulat ay siya ngang lalaking katalik ni Tita Raquel sa kuwartong ito. Siya rin ang lalaking nakita ko sa supermarket noon. Positibo na siya nga ang lalaking umipot sa ulo ni Tito Noel. Kawawang Tito Noel na hirap na hirap sa barko pero winawalanghiya ng asawang makati pa yata sa halamang gabi.
Binasa ko ang sulat. Maayos ang sulat ni John-ny S.
“Sabi mo sumulat naman ako sa’yo kaya eto sumulat ako at naglagay pa ng picture. Guwapo ko no? Sa totoo lang ay hindi ako sanay sumulat at nakokornihan din ako pero dahil sabi mo na sumulat ako kaya pinagbigyan kita.
“Masaya ka na siguro ano? Kailan ba tayo pupunta sa Baguio o sa Puerto Galera? Sabi mo ngayong summer ay punta tayo. Baka biglang dumating ang asawa mo e hindi na tayo matuloy. Para naman mas masarap ang pagsasama natin. Magkakasarilinan tayo. Nagsasawa na ako sa loob ng kuwarto n’yo at sa motel sa Sta. Mesa at Pasay. Sa iba naman ang gusto ko…”
Itinigil ko ang pagbabasa. Inisip ko kung itutuloy ko o ipakikita na kay Ate Flora at siya naman ang magbasa ng sulat na ito ng kataksilan. (Itutuloy)