^

True Confessions

Ate Flora(31)

- Ronnie M. Halos -

“KUMUSTA ka Ara? Na­saan ang Ate Flora mo?” tanong ni Aling Cely na ang pagkagulat ay hindi maitago sa ekspresyon ng mukha.

“Nasa bahay po ni Tita Raquel si Ate, ako naman po ay ipinagsama ni Tita    sa paggo-grocery. Ma-  buti naman po kami Aling Cely…”

“May ibabalita ako tung­ kol sa mama mo Ara…”

“Ano po iyon Aling Cely?”

“Tinanggal na ang mama mo sa munisipyo. Hindi pa natatagalan. Masyado na ang pagka­lulong sa droga.”

“Ang asawa po niya Aling Cely? Sila pa rin po ba ang nagsasama ?”

“Oo. Ang masama ay   drug pusher pala at user   ang asawa ng mama mo. Mata­gal na raw palang  si­nu­surveilance ng mga pulis. At baka madamay ang mama mo.”

“Nabalitaan n’yo ba kung naospital ang asawa ni Mama?”

“Hindi ko nabalitaan. Bakit naospital?”

“Nasaksak po siya sa tagiliran, Aling Cely,” sabi ko.

“Wala akong nabalitaan, Ara. Siguro’y  kuwentong kutsero lamang ang nabali­taan ninyo.”

“Siguro nga po, Aling Cely.”

“Sige magpapaalam, na ako, Ara. Ikumusta mo ako kay Ate Flora mo. Mag-iingat kayong magkapatid,” sabi ni Aling Cely at mabilis na umalis.

Eksaktong paalis si  Aling Cely ay paparating naman si Tita Raquel. Wala na ang lalaki na sinama- han niya kanina.

“Halika na Ara. Napaka­rami pa nating bibilhin,” sabi ni Tita Raquel na hima­lang hindi baltik ang utak at marahan ang pagka-ka­sabi. Ano kaya ang na-ka­in niya?

“Opo Tita Raquel,” sa­got ko.

Marami pa kaming bi-  ni­ling pagkain. Parang magkakaroon nang mala­king party.

(Itutuloy)

ALING CELY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with