Ate Flora (ika-14 na labas)

ALALANG-ALALA si Mama sa nangyari sa asawang manyak. Mas nag-aalala pa siya rito kaysa sa aming mga anak niya. At si Ate Flora ay wala nang balak pang sabihin ang totoong da­hilan kung bakit may saksak sa itaas ng kilay ng asawang manyak.

“Malalim ba ang su­gat?” tanong ni Mama kay Mando. Naririnig namin ni Ate ang nag-aalala niyang boses.

“Mababaw lang,” sabi ng manyak.

“Sinong naglagay ng benda?”

“Diyan sa clinic sa ba­rangay.”

“Paano ba natusok ng pako?”

“Nadapa nga ako. Ang nadapaan ko e kahoy na may pakong nakausli.”

Ang galing magsinu­ngaling ni Manyak at ang aming ina naman ay pani­walang-paniwala at awang-awa.

“Saan ka ba nadapa?”

“Diyan lang sa may ha­rapan ng bahay.”

“Wala man lang tumu­long sa’yo?”

“Wala.”

“Nasaan si Flora? Sana tinawag mo si Flora?”

“Hindi na. Mababaw lang naman.”

“Hindi ka man lang di­naluhan e paano kung na­ubusan ka ng dugo?”

Alalang-alala talaga si Mama at tila galit pa kay
Ate Flora at hindi man lamang nito tinulungan ang asawa.

“Kaya ko naman. Ma­layo ito sa bituka.”

Paniwalang-paniwala si Mama sa kasinungalingang sinabi ng asawang man­yak. Naisip naman namin ni Ate na kaya ginawa ni Manyak ang kasinunga­lingang iyon ay dahil maaari siyang mabuking na nani­nilip sa aming kuwarto. Mabubuko ang ginagawa niyang kamanyakan.

Pero si Ate na rin ang nagsabi na maaaring may iniisip na mas malalim si Manyak. Gaganti ito sa kanya. Baka raw mas ma­tindi ang gawin sa kanya.

“E mas mabuti kaya ay umalis na tayo rito, Ate,” sabi ko na biglang kina­bahan sa maaaring gawin ni Manyak.

“Kulang pa ang pama­sahe natin, Ara.”

“Natatakot ako Ate na baka gahasain ka ni Mando.”

“Kung meron nga lang akong mauutangan, Ara e gagawin ko. Kaya lamang sino ang magpapautang sa atin ng pandagdag sa pa­masahe.”

“Kung magsabi kaya ako sa principal namin, Ate?”

“Huwag, Ara. Hangga’t makakaya natin, huwag ka munang hihingi ng tulong. Kung hindi na natin kaya, saka lang tayo humingi…”

Nakita ko ang prinsipyo ni Ate. Titindig siya sa sa­riling mga paa. Hangga’t kaya, pipilitin niya.

“Mag-iingat na lamang ako, Ara habang narito at kasama ang walang­hiyang asawa ni Mama. At kung magagawa ko, hindi lamang tusok ang ga­gawin sa kanya…”

Matapang si Ate Flora. Palaban na talaga.

Pero kahit na ano pala ang ingat niya at alerto, nakalusot pa rin ang manyakis isang tang­haling nakaidlip si Ate sa kuwarto. Nakapasok si Mandong Manyak at na­gawang maalis ang panty ni Ate. Nagising si Ate dahil sa paghipo ni Manyak sa kanyang pag­kababae. Akala ni Ate nananaginip lamang siya. Totoo na palang may kumakalikot sa hiyas niya. At tila ulol na sa pagnanasa si Man­dong Manyak.

(Itutuloy)

Show comments