^

True Confessions

Anay (91)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni E.A.E.)

WALANG impo­sible sa Diyos sapag­kat ang lahat ng mga hiniling ko habang nasa loob ay naga­nap. Hiniling kong mata­galan ang lahat ha­bang ako ay nasa loob at sana naman ay hindi maging matagal ang pagkakakulong ko. Kung ang iba ay nagagawaran ng ka-pa­tawaran at napapa­ikli ang sentensiya, ma­ aari rin naman akong hu­mi­ling sa Di­yos niyon. Naniniwala ako na ang isang nagsisisi at nagnanais na magba­gumbuhay ay laging binibigyan ng Diyos ng pagkakataon. Hindi niya ipagkakait ang hinihiling sa isang ka­tulad ko.

Hindi ang pansarili ko lamang ang aking hinihingi ng awa kundi pati na rin ang mga kasamahan kong bi­langgo na ang lahat ay pawang nagsisi na sa mga nagawang kasala­nan. Pati ang kaibigan kong si Joy ay idinala­ngin kong mabigyan ng parole at sana rin na­man ay mapatawad na siya ng mga magu­ lang.

Mas naunang dini­nig ng Diyos ang pana­langin ko kay Joy sa­pagkat makalipas la­mang ang isang buwan ay may sorpresang du­malaw sa kanya sa bilangguan. Ito ay wa­lang iba kundi  ang kan­yang mama at papa. Pag­karaan nang mara­ming taon ay nakita muli ng kanyang mga magulang ang anak na naligaw ng landas. Ang itim na tupa ay pinata­wad na ng kanyang mga magulang.

Masayang-masaya si Joy makaraang du­malaw ang kanyang mga magulang. Parang bata na walang tigil sa pagkukuwento.

“Masayang-masaya ako, Eloi. Ganito pala ang nararamdaman kapag napatawad ka ng mga magulang…”

“Di ba’t wala naman talagang imposible sa Diyos, Joy. Hindi niya pinababayaan ang mga anak niyang nagsisisi  at muling tumanggap sa kanya…”

“Tama ka Eloi, wa-lang imposible sa Di-yos,” sabi ni Joy na na­ngingi­lid pa ang luha. “Sabi ni Papa at Mama, pagda­law uli nila, ka­sama na ang mga ka­patid ko. Hindi raw na­kasama kasi nasa abroad pare­ho ang dalawa at ang bunso naman ay nasa school. Pero pagdalaw nila,  reunion na kami. Ang saya-saya ko ta­laga Eloi.”

Mas matinding kali­gayahan pa ang nada­ma ni Joy nang pagka­looban ito ng parole. Ma­­gandang record ang nagawa sa bilangguan.

Isang araw bago ang nakatakdang pag­labas ni Joy ay kinau­sap niya ako nang ma­sinsinan.

“Malakas ang kutob ko na susunod ka na ring lalaya, Eloi. Nara­ramdaman ko na….”

Sana nga Joy. Gusto ko na ring lu­ maya.”

“Huwag kang mag-worry, Eloi…”

“Dalawin mo ako, Joy.”

“Siyempre naman. Hindi kita malilimu­tan.”

Nang makalabas si Joy ay lalo ko pang ibinuhos ang pana­-hon sa pagbibigay ng lakas ng loob sa mga bagong dating na inmate. Malaki ang pag­kakataong magbago kahit pa ang pinaka-masamang nilalang.

(Tatapusin na bukas)

DIYOS

ELOI

JOY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with