Anay (ika-90 na labas)

(Kasaysayan ni E.A.E.)

“HINDI ko naman masisisi ang aking mga magulang kung itakwil nila ako, Eloi. Imagine sa mga anak nila, ako ang lumabas na “itim na tupa”. Sobra-sobra na ang kahihiyang idinulot ko sa kanila…”

“Ilan ba kayong mag­kakapatid?” tanong ko kay Joy na nakikita kong gumagaan ang loob ka­pag naipagtatapat ang mga kasawiang pinag­daanan.

“Apat kaming magka­kapatid, Eloi. At ako ang nag-iisang babae.”

Gimbal ako. Totoo pala ang ganitong kuwento na kung sino pa ang babae ay siyang lumabas na “ali­bugha”.

“Ikatlo ako sa magkaka­patid, Eloi. Yung Kuya ko, summa cum laude nang magtapos at topnotcher sa board. Yung sumunod, cum laude at kasama sa top 10 nang engineering board. Yung bunso namin, ma­talino rin, at balak mag-abogado. Ako ang tanging batik sa pa­ milya. Kaya hindi ko masi­sisi ang aking mga ma­gulang, Eloi. Ako ang gu­mawa ng sarili kong ka­palaran…”

“Ano ang naabot mo sa pag-aaral, Joy?”

“Second year Mass­com.”

“Sayang ano?”

“Oo, Eloi. Hindi ko pina­ha­lagahan ang laging sina­sabi ng mga magulang ko na umiwas sa masasa­mang barkada. Hindi ako na­kinig…”

“Pero hindi pa naman huli di ba, Joy?”

“Oo. Maaari pa ring mag­bago. Lahat naman ay ma­ga­gawa iyon basta ma­laki ang tiwala sa Diyos.”

“Pareho tayong alibug­hang anak, Joy. Katulad din natin yung tupang naligaw na ngayon ay nagnanais bu­malik sa dating kawan.”

“Tama ka Eloi. At sana hindi na tayo maligaw muli ano.”

“Hindi na siguro Joy. Ako malaki na ang pagtitiwala ko sa Diyos kaya hindi na ako maliligaw. Nakilala ko Siya dahil sa iyo. Ikaw ang gina­wang instrumento para ga­nap kong makita ang ta­mang landas. Salamat”

“Salamat din, Eloi.”

Nagpatuloy pa ang aming magandang pag­sa­samahan ni Joy. Pa­tuloy din ang aming pag­si-share sa iba pang inmate ukol sa Diyos. Ka­ming dalawa ang naging instrumento. Marami ang muling tumanggap sa tinalikurang mapag­mahal na Diyos.

Dahil doon ay naging kilala kami sa “loob”. Ma­ganda rin ang aming ipinakitang record sa bilangguan.

(Itutuloy) 

Show comments