Anay (89)

  (Kasaysayan ni E.A.E.)

NAGING matalik ka­ ming magkaibigan ni Joy. Siya rin ang ku­mumbinsi sa akin na maging malapit sa Diyos. Kailangan daw na makilala muna ng tao ang Diyos saka lamang maaaring mag­sisi sa nagawang ka­ salanan. Ang pagtang­gap sa Diyos ang ma­gi­ging simula ng lahat.

“Alam mo noong una hindi ko rin ma­ tanggap ang lahat, Eloi,” sabi ni Joy na tila ba magaan na maga­an ang kalooban sa pagkukuwento. Na­kaupo kami sa tarima habang nagkukuwen­tuhan ng araw na iyon. Tapos na ang aming mga gawain sa loob. “Katulad ng nararam­daman mo, parang bibigay din ako noong una kong pasok dito. Ang hirap!”

“Anong ginawa mo?” tanong ko.

“Lumapit ako sa Di­ yos. Talagang walang imposible sa Diyos, Eloi…”

“Naniniwala na ako, Joy. Nararam­da­man ko ang presen­siya Niya habang tayo ay sama-samang nagda­dasal…”

“Ganyan ang naram­daman ko Eloi. Biglang-bigla naging malawak ang pananaw ko kahit na imposibleng maibalik pa ang nakaraan…”

“Nararamdaman ko ngayon na nababawa­san na ang dalahin ng konsensiya ko, Joy. ”

“Ngayon kahit na itinakwil na ako ng mga magulang ko at kamag-anak, nakakaya ko na, Eloi. Kailangang tang­gapin ko ang kato­tohanan. Ikaw ba, Eloi, me mga kamag-anak pa?”

“Wala na,” sagot ko. “Ulilang lubos na ako. Ang mga magulang ko e magkasunod na nama­ tay noong nasa high school ako. Ang probin­siya ko nga e sa Quezon.”

“Saan ka sa Que­ zon?”

“Sa Candelaria. Ma­tagal na akong hindi na­kakauwi roon. Mula nang mag-graduate ako ng high school. Dito na ako sa Maynila nagpalabuy-laboy.”

“Anong trabaho ang napasukan mo rito sa Maynila?” tanong ni Joy na parang nahihiwa­ gaan sa mga ipinagtapat ko.

“Pagiging katulong pero…” ibinitin ko.

“Pero ano?”

“Sana e hindi na ako naging katulong.”

“Bakit?” “Ku­ma­bit kasi ako sa amo kong lalaki — Intsik.”

“Tapos?”

“Mag-aabroad sana ako — sa Kuwait o Saudi pero may nag-alok na maging katulong ako at iyon, nakarelasyon ko na naman ang aking among lalaki…”

“Paano ka naman na­sangkot sa panunu­nog?”

“Ibinahay ako ng amo ako. Nang nakatira na ako sa apartment na pag-aari ng matrona, nag­karoon uli ako ng kabit. Hindi ko alam, ang ki­nabitan kong lalaki e inaasawa ang matro­na. Natuklasan ko pa, na niloloko nila ako, ayun, gumanti ako, sinunog ko sila…pinlano ko talaga. Pero mahirap pala ka­ pag konsensiya ang umusig…”

Napatangu-tango si Joy.

“Alam mo Eloi, wala sa itsura mo na maka­ kagawa ng ganoon. Kasi tipong inosente ka. Para bang walang kamuwang-muwang sa mundo…”

“Ikaw naman, Joy anong nangyari at na­ sangkot ka sa drug pushing?”

“Kasalanan ng siyota kong pusher. Noon pa man e alam ko nang ma­sama ang gawain niya pero nagpatuloy pa rin ako sa pakikisama sa kanya. Hindi ko pina­king­gan ang mga magu­lang ko. Lumayas ako at nakisama sa pusher kong siyota. Namemera kami nang ayos sa shabu. Akala ko wala nang katapusan ang dating ng pera….”

Tumigil sa pagkuku­wento si Joy at nakita kong nangilid ang luha.

“Kapag pala nasanay kang maraming pera, ang hangad mo pa ay madagdagan iyon. Na­ging sakim na ako. Lalo pa kaming naging mata­pang sa pagtutulak. Kapag natunugan namin na mainit kami sa mata ng PDEA at mga pulis, lipat sa ibang lugar. Min­san isang babae ang natunugan namin na nagbibigay ng inpormas­yon sa barangay at pulis. Hinanting ko ang babae at pinatay ko — sinaksak. Malakas ang loob ko dahil marami kaming pera. Kayang bayaran kung mag­ha­ha­bol ang mga ka­anak. Pero nagka­mali ako, hindi nagpa­areglo ang mga kaa­nak ng napa­tay ko. Dito na nga ako na­han­tong. Dalawa ang kaso ko, murder at drug pushing. Habam­ buhay ang sentensiya ko…”

“Ang siyota mo, Joy nasaan na?”

“’Yan ang masak­lap. Mula nang maku­long ako, hindi na nag­pakita. Iniligtas na ang sarili. Siguro patuloy pa rin siya sa pagtutu­lak ngayon.”

“Ang mga magu­lang mo dinadalaw ka rito?”

Hindi sumagot si Joy. Saka umiyak.

“Itinakwil na nila  ako Eloi. Mula nang makulong ako rito, ni isa sa kanila, hindi man lamang ako dinalaw…”

Parang gusto ko na ring umiyak sa mga ipinagtapat ni Joy.

(Itutuloy)

Show comments