^

True Confessions

Anay (88)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni E.A.E.)

ISINUKO ko ang aking sarili sa mga pulis. Hindi ko kaya ang sumbat ng kon­sen­siya. Ipinagtapat ko sa mga pulis ang dahilan kaya nagawa ang ga­noon karumal-dumal na krimen. Pag­hihi­ganti ang da­hilan. Mas­yado akong inapi. Inu­bos ang aking pera. Pinanga­kuan ng lala­king aka­la ko ay mag­to­totoo sa akin. Pin­lano ko ang lahat. Ta­tang­gapin ko ang pa­ru­sang ipagka­kaloob sa akin ng batas. Han­da ako kahit na kama­tayan ang iga­wad sa akin. Pinagsi­sisihan ko ang nagawa.

Hindi ko na alam kung naging headline ang pagtatapat kong iyon sa mga mga di­yar­yo. Kung naging headline, hindi ko alam kung nabasa ni Kuya Mike. Malamang ay hindi na dahil masyado siyang nakatutok sa kalagayan ni Ate Marie na unti-unting iginu­gupo ng kanser.

Nalutas ang kasong iyon. Nahatulan ako ng habambuhay na pag-ka­bilanggo.

Sa loob ng Correctional Institution for Women ay iba’t ibang uri ng tao ang aking na­kaharap. May mga ka­tulad ko ring murder ang kaso. May pinatay ang asawa, ang kabit  at kung anu-ano pa.

Sa unang araw ko sa bilangguan ay tila gusto kong masiraan ng ulo. Hindi yata ako tatagal. May pagkaka­taong sinisisi ko ang sarili. Bakit ko ba ina­min pa ang krimen? Puwede namang hindi. Bakit ko na naisip ang ganoong ka-istupidang desisyon? Pero sa  da­kong huli, ang kon­sen­­siya ko pa rin ang nag­sabi. Dapat mo la­ mang pagdusahan ang gina­wa.

Sa bilangguan ko nakilala at naging kai­bigan si Joy. Tulad ko, murder din ang kaso. Napatay niya ang kap­wa babae na inakala niyang nagsumbong   sa pagiging pusher niya.

“Matagal ka na rito Joy?” tanong ko.

“Isang taon na, Eloi. Natatanggap ko na ang lahat. Nagsisisi na ako sa lahat ng mga ginawa ko.”

“Tulungan mo ako Joy. Pakiramdam ko bibigay ako rito.”

“Huwag kang mag-alala, Eloi. Tutulu­ngan kita.”

(Itutuloy)

AKO

ATE MARIE

BAKIT

CORRECTIONAL INSTITUTION

ELOI

KUYA MIKE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with