^

True Confessions

Anay (ika-85 na labas)

- Ronnie M. Halos -

 (Kasaysayan ni E.A.E.)

NAKALADLAD sa di-ka­layuan ang mga bagong deliber na diyaryo at tabloid. Nahagip ng aking tingin ang balita sa tabloid ukol sa naganap na sunog kagabi. Dalawa ang patay! Ang dalawang namatay ay sina Gil at Aling Miling.

Hindi ako kuntento sa pagtanghod lamang sa nakaladlad na tabloid. Bumili ako para malaman ang buong istorya ng sunog. Mabilis ang tibok ng aking puso.

Ayon sa balita, isang apartment sa Paco ang natupok ng apoy. Ang da­hi­lan ng sunog ayon sa mga arson investigators ay naiwang kandila na may sindi at nilamon ang kurti­na. Dalawa ang namatay sapagkat na-trap sa ku­warto, Walang fire exit ang apartment. Sa tindi ng pagkasunog ay halos hindi na makilala ang mga bikti­ma. Ang mga biktima ay nakilalang sina Gil Santos, 30 at Carmelita Santiago, 60. Milyong piso ang hala­gang tinatayang natupok ng apoy.

Nakaganti na ako sa da­la­wang umapi sa akin! Iyon ang unang pumutok sa isipan ko. Ang nararamda­man kong madalas na tibok ng puso ay nawala na. Hindi ako natatakot.

Mag-alas sais ng umaga ay ipinasya kong pumunta sa bahay nina Kuya Mike. Hindi para guluhin sila kundi para humingi ng tawad — lalo na kay Ate Marie.

Mula sa terminal ng bus sa Buendia ay sumakay ako ng dyip patungo sa bahay nina Kuya Mike. Nasisiguro kong magtataka si Kuya Mike at baka pagalitan pa ako dahil kabilin-bilinan niyang huwag akong pupun­ta sa kanila. Baka sumbatan pa ako. Binigyan na nga   ako ng P100, 000 ay ano pa ang ginagawa ko sa tahanan niya.

Narating ko ang kina Kuya Mike. Ilang ulit kong diniian ang door bell. Nang makita ko ang pagbubukas ng pinto ay nabuhayan ako ng loob. Si Kuya Mike ang nagbukas.

Nakatingin na may ha­long pagtataka si Kuya Mike. Para bang nakakita ng mul­to.

“Paano ka nakaligtas, Eloi?”

Nasa mukha ni Kuya Mike ang labis na pagtataka. Marahil napanood na niya ang balita sa TV ukol sa nangyaring sunog.

“Hindi ka nasunog?”

“Nakaligtas ako, Kuya Mike.”

“Parang imposible, Eloi.”

“Totoong nakaligtas ako. Buhay na buhay ako.”

Napailing-iling si Kuya Mike. Hindi pa rin makapani­wala.

“Sa balita ngayong uma­ga, tatlo raw ang patay sa apartment na iyon at hindi raw ma-identify ang isa dahil sunog na sunog.”

“Nang nasusunog na ang bahay ay nakalabas agad ako. Mababaw lamang ang aking tulog.”

“Masuwerte ka, Eloi.”

“Siguro ay binigyan pa ako ng isang pagkakataon, Kuya Mike…”

“Pakiusap ko lamang Eloi na huwag nang mala­laman ni Marie ang lahat. Ayaw ko nang dagdagan pa ang sakit ng kalooban niya.”

“Hindi ko naman gaga­win iyon, Kuya. Kaya nga ako naparito ay para hu­mingi ng tawad at mag­paalam na.”

“Salamat naman, Eloi.”

“Gusto ko sanang ma­ka­usap si Ate Marie.”

“Huwag na Eloi.”

“Bakit Kuya?”

“Ipinagbabawal ng doctor na makausap siya.”

“Bakit Kuya? Anong nangyari kay Ate?”

“Malubha ang sakit niya at hindi na magtatagal ang buhay…”

Gimbal ako. (Itutuloy)

AKO

ELOI

KUYA

KUYA MIKE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with