Anay (84)

(Kasaysayan ni E.A.E.)

NANG tanungin ako ng taxi drayber ay hindi agad ako nakasagot. Saan nga ba ako pupunta? Hindi ko alam. Ayaw ko sa motel o kahit saang bahay tuluyan sa dis-oras ng gabi.

Hanggang sa maisip ko na sa terminal ng bus patungong Quezon ako magtungo. Maaaring doon na ako magpau­maga. Mas safe sa bus terminal sapagkat laging mara­ming tao.

“Dalhin mo ako sa terminal ng bus sa Pasay…   sa may Buendia…”

“Opo Mam.”

Habang patungo sa Buendia ay ilang trak ng bumbero ang aming nasa­lubong. Nakangiti ako. Na­ka­alarma na ang nangyaya­ring sunog.

“May sunog na naman!” sabi ng taxi drayber,

“Oo nga,” sagot ko.

“Uso talaga ang sunog ngayon,” sabi ng taxi dray­ber at pinabilis pa ang takbo ng taxi.

Naalaala ko ang tagpong iniwan ko ang plantsa. Iyon ang magiging hudyat ng sunog. Kapag nasunog ang sapin ng plantsahan, ka­kalat iyon hanggang sa dilaan ang kurtina at presto.

Ang bahay ni Matrona  ay yari sa kahoy at mga gapok na ang dingding at sahig. Kaunting dila lang   ng apoy ay sisiklab na.

Mata-trap ang dalawang ganid na nagtatalik dahil hindi nila mabubuksan ang pinto. Nakatali iyon.

Maraming pasahero nang dumating ako sa terminal. Wala kasing bus. Mga isang oras pa raw    ang hihintayin bago duma­ting mga bus.

Naghanap ako ng mau­upuan. Nakakita ako sa may sulok. Nakatulog ako dahil sa pagod at tensi­yon.

Nang magising ako ay alas-singko na ng umaga. Agad kong nahagip ng tingin ang balita sa tabloid ukol sa sunog na nangyari at ang pagkamatay ng dalawa katao.

Hindi ako maaaring magkamali — sina Gil at Aling Miling ang mga bik­ tima.

(Itutuloy)

Show comments