Anay (84)
NANG tanungin ako ng taxi drayber ay hindi agad ako nakasagot. Saan nga ba ako pupunta? Hindi ko alam. Ayaw ko sa motel o kahit saang bahay tuluyan sa dis-oras ng gabi.
Hanggang sa maisip ko na sa terminal ng bus patungong Quezon ako magtungo. Maaaring doon na ako magpaumaga. Mas safe sa bus terminal sapagkat laging maraming tao.
“Dalhin mo ako sa terminal ng bus sa
“Opo Mam.”
Habang patungo sa Buendia ay ilang trak ng bumbero ang aming nasalubong. Nakangiti ako. Nakaalarma na ang nangyayaring sunog.
“May sunog na naman!” sabi ng taxi drayber,
“Oo nga,” sagot ko.
“Uso talaga ang sunog ngayon,” sabi ng taxi drayber at pinabilis pa ang takbo ng taxi.
Naalaala ko ang tagpong iniwan ko ang plantsa. Iyon ang magiging hudyat ng sunog. Kapag nasunog ang sapin ng plantsahan, kakalat iyon hanggang sa dilaan ang kurtina at presto.
Ang bahay ni Matrona ay yari sa kahoy at mga gapok na ang dingding at sahig. Kaunting dila lang ng apoy ay sisiklab na.
Mata-trap ang dalawang ganid na nagtatalik dahil hindi nila mabubuksan ang pinto. Nakatali iyon.
Maraming pasahero nang dumating ako sa terminal. Wala kasing bus. Mga isang oras pa raw ang hihintayin bago dumating mga bus.
Naghanap ako ng mauupuan. Nakakita ako sa may sulok. Nakatulog ako dahil sa pagod at tensiyon.
Nang magising ako ay alas-singko na ng umaga. Agad kong nahagip ng tingin ang balita sa tabloid ukol sa sunog na nangyari at ang pagkamatay ng dalawa katao.
Hindi ako maaaring magkamali — sina Gil at Aling Miling ang mga bik tima.
(Itutuloy)
- Latest
- Trending