^

True Confessions

Anay (ika-76 na labas)

- Ronnie M. Halos -

(Kasaysayan ni E.A.E.)

“KAILAN daw ibi­bigay sa’yo ang pera, Eloi?” tanong ni Gil na nangi­ngislap ang mga mata dahil sa katuwaan.

“Sa akinse raw.”

“Kailan ba ang akinse?” tanong at lu­minga-linga para mag­hanap ng kalendar­yo.

“Sa isang linggo. Sa isang ganito, Eloi…”

“Kapag naibigay na niya ang P100,000 aalis na agad tayo rito, Gil…”

“Oo naman. Mas safe tayo sa Mogpog.”

“Paano si Matrona?”

“Bahala na siya sa bu­hay niya. Basta ta­yong da­lawa ang mag­sa­sama.”

“Sino ang daratnan natin sa Mogpog, Gil?”

“Yung mga magu­lang ko.”

“Teka saan nga ba ang Mogpog?”

“Ay ang hina nito sa geography. Mogpog lang di mo alam.”

“E sa boba ako e.”

“Ang Mogpog e nasa Marinduque.”

“Maganda ba roon?”

“Oo naman. Mara­ming pagkain doon.”

Nag-imagine na ako. Magiging magan­da si­ guro ang buhay namin sa Mogpog. Pa­ano kaya kami magpa­pakasal ni Gil? Ano kaya ang ugali ng mga magulang niya at ka­patid? Baka kapag na­la­mang pakabit-kabit ako sa iba’t ibang lalaki e tabangan sa akin.

“Ang dami mong pera Eloi. Kalain mo, magka­karoon ka ng hun­dred thou na walang kahirap-hirap…”

“Ay anong walang ka­hirap-hirap? Eto’t na­gas­gas na nga itong ano ko…”

“Okey pa naman yan kahit nagasgas ah…”

“Ayaw ko nang ipa­gas­gas ito sa iba, Gil. Sa’yo na lang ito ta­laga…”

Humagalpak ng tawa si Gil. Saka hi­nalikan ako sa labi.

“Mamayang gabi hin­ di muna ako dito sa ku­warto mo ha?”

“Bakit?”

“Nagyayaya sa ca­sino si Matrona. Baka ma­da­ ling-araw na kami umu­wi. Kapag na­nalo siya, ma­rami na naman akong ma­ku­kupit…”

Napatango na la­ mang ako kay Gil. Wala naman akong ma­gagawa. Hindi na­man ako makaka­tutol kung ano ang gawin nila ni Matrona. (Itutuloy)

ELOI

GIL

MATRONA

MOGPOG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with