Anay (ika-71 na labas)
(Kasaysayan ni E.A.E.)
“PALAGAY ko kaunti pa lamang ang nadudugas mo kay Mike ano, Eloi. Hindi ko na nakikitang dumadalaw sa’yo…”
“May usapan kami na hindi muna siya dadalaw sa akin dahil nahahalata na ng asawa niya. Pero yung ATM ko, lagi niyang nalalagyan ng pera…”
“Asan ang ATM?”
“Siyempre nasa akin.”
“Marami na?”
“Meron nang konti.”
Nagtawa si Gil — tawang nakakaloko.
“Huthutan mo nang todo. Tingnan mo ang ginagawa ko kay Matrona at marami na akong nahuhuthot…”
“Iba ka Gil. Puwede mong paikutin si Aling Miling pero ako, hindi ko makakaya ang ganun.”
“Ang hina mo talaga. Alam mo kung paano peperahan si Mike?”
“Paano?”
“Takutin mo na magsusumbong ka sa asawa niya.”
“Ganoon nga ang iniisip ko
“Arte lang yun para hindi mo gawin. Takutin mo uli.”
Hindi ako makapagsalita.
“Kapag marami ka nang nahuthot kay Mike, saka tayo lalayas dito at uuwi sa Mogpog. Mas maganda roon.”
Nangarap na ako. Magbabagumbuhay na kami ni Gil. Ayaw ko na ng ganitong buhay.
“Hindi ko talaga kaya ang ginagawa kay Matrona. Pilit lang ang lahat,” sabi ni Gil. Natatandaan ko, sinabi na niya ito
“Akala mo lang e gusto ko ang trabahong ito. Hindi Eloi. Kaya nga payo ko sa’yo hangga’t may makukuha sa asawa mo, kunin mo. Para sa atin yun…”
Tumango ako.
“Pag-usapan natin ang mga gagawin mo para mapilit kang bigyan nang malaking pera. Alam kong malaki ang sahod ng Mike na iyon…”
“Bakit mo alam?”
“Dahil kay Matrona.”
Naalala ko na kilala nga pala ni Mike si Aling Miling.
“Ako ang gagawa ng
Pumayag ako. Sunud-sunuran na ako kay Gil. Kung ano ang ipagagawa niya, gagawin ko.
(Itutuloy)
- Latest
- Trending