Anay (ika-69 na labas)

(Kasaysayan ni E.A.E.)

GAGA ang ma­tro­nang ito! Akala yata at kabit lamang ako, ang tingin na sa akin ay ganon ka­baba na ma­aari akong maki-join sa kanilang kalaswaan. Akala siguro’y sobra rin ang “L” ko. Si­guro’y na­sagad ang utak niya ng mga pinapanood na triple X.

“Ano, Eloi?” ta­nong pa ni Aling Miling.

“Ayaw ko po, Aling Mi­ling. Hindi ko po kaya…” sabi kong ma­tigas.

“Humm ikaw na­man. Parang hindi kita kilala…” sabi.

“Aling  Miling,  hindi  ko kaya ang ginagawa mo…”

“Hmp sige na nga. Pero teka, basta tayo lang ang nakakaalam nito ha, baka kung kani-kanino mo pa ipag­sabi na niyaya kitang maki­pag-ano…”

Tumango na la­mang ako para matigil na ang matrona sa ka­kaibang naiisip.

“Sige na Eloi, sa­lamat na lang.”

Lumabas na ako ng kuwarto niya.

Nang nasa kuwarto na ako ay hindi ko pa rin lubusang maisip na aalu­kin ako ng ganoon ni Aling Miling. May sakit na nga siguro ang matrona at kung anu-ano na ang pumapa­sok sa kukote. Ngayon ay ibig kong ma­suka kapag naiimadyin ang gusto niyang mang­yari. Isang matrona na gus­tong ma-vediohan ang kalaswaan. Yak!

Hinintay ko ng ga­bing iyon si Gil pero napuyat ako sa kahi­hintay ay hindi du­mating. Parang sina­saksak ang puso ko nang maalalang nasa kuwarto ito ni Matrona at pinag­pa­pasasaan ng ganid sa laman.

Naaalala ko ang sinabi ni Matrona na baka raw tuluyan na silang magsama ni Gil. Mahal din daw siya ni Gil at nagkakauna­waan na sila. Seryo­song-seryoso ang matrona.

Naisip ko naman hindi niya maaagaw sa akin si Gil. Mas bata ako at sariwa kaysa kanya. Kapag nagka­usap kami ni Gil su­sul­sulan kong umalis na kami rito at dalhin na niya ako saan man niya gus­tuhin — kahit sa Mogpog.

(Itutuloy)

Show comments