Anay (ika-69 na labas)
(Kasaysayan ni E.A.E.)
GAGA ang matronang ito! Akala yata at kabit lamang ako, ang tingin na sa akin ay ganon kababa na maaari akong maki-join sa kanilang kalaswaan. Akala siguro’y sobra rin ang “L” ko. Siguro’y nasagad ang utak niya ng mga pinapanood na triple X.
“Ano, Eloi?” tanong pa ni Aling Miling.
“Ayaw ko po, Aling Miling. Hindi ko po kaya…” sabi kong matigas.
“Humm ikaw naman. Parang hindi kita kilala…” sabi.
“Aling Miling, hindi ko kaya ang ginagawa mo…”
“Hmp sige na nga. Pero teka, basta tayo lang ang nakakaalam nito ha, baka kung kani-kanino mo pa ipagsabi na niyaya kitang makipag-ano…”
Tumango na lamang ako para matigil na ang matrona sa kakaibang naiisip.
“Sige na Eloi, salamat na lang.”
Lumabas na ako ng kuwarto niya.
Nang nasa kuwarto na ako ay hindi ko pa rin lubusang maisip na aalukin ako ng ganoon ni Aling Miling. May sakit na nga siguro ang matrona at kung anu-ano na ang pumapasok sa kukote. Ngayon ay ibig kong masuka kapag naiimadyin ang gusto niyang mangyari. Isang matrona na gustong ma-vediohan ang kalaswaan. Yak!
Hinintay ko ng gabing iyon si Gil pero napuyat ako sa kahihintay ay hindi dumating. Parang sinasaksak ang puso ko nang maalalang nasa kuwarto ito ni Matrona at pinagpapasasaan ng ganid sa laman.
Naaalala ko ang sinabi ni Matrona na baka raw tuluyan na silang magsama ni Gil. Mahal din daw siya ni Gil at nagkakaunawaan na sila. Seryosong-seryoso ang matrona.
Naisip ko naman hindi niya maaagaw sa akin si Gil. Mas bata ako at sariwa kaysa kanya. Kapag nagkausap kami ni Gil susulsulan kong umalis na kami rito at dalhin na niya ako saan man niya gustuhin — kahit sa Mogpog.
(Itutuloy)
- Latest
- Trending