Anay (ika-65 na labas)

(Kasaysayan ni E.A.E.)

SI Gil! Siya ang sumi­sira sa aking pagka­babae! Paano naka­pasok ang kumag na ito gayong naka-lock lagi ang pinto ng kuwarto ko. At hindi ko namalayan ang pagpasok. Ah, mas­ya­dong himbing ang aking pagtulog.

“Gil, ano ba itong ginagawa mo?” sabi ko pero walang ba­kas ng galit.

“Shhhh! Wag ka nang maingay, Eloi. Narito na ‘to.”

“Walanghiya ka Gil…” sabi kong tila nagpapadala na la­mang sa agos. Gusto ko ang ginagawa niya. Hindi ko siya maaaring pigilin. Ang pigilin siya sa ga­noong nasa kasuk­dulan ay maaari kong ikagalit.

“Alam ko Eloi, gusto mo rin ito…”

Ang walanghiya at inaasar pa yata ako. Kabisado na ang kiliti ng babae ng walang­hiya. Eto ba ang sina­sabi ni Aling Miling na may pagka-bading. Sira ulo yata ang ma­tronang iyon at pati ang barakong ito na halos pumugto sa hininga ko ay aakusahang berde ang dugo. Siguro’y sina­sabi sa akin para nga hindi ako maka­salo. At tama si Aling Miling na hindi basta-basta ang “nasa hara­pan” ni Gil. Maaaring ilaban nang patayan ng sinumang babae. Mas­ki ako, ipaglalaban ko ang “nasa harapan” ng kumag na ito.

“Mas mahal kita Eloi kaysa kay matrona…” mahina ang pagkaka­sabi niya pero malakas at tila musika sa pan­dinig ko. Bahala siya kung iyon ay bola. Ang mahalaga, ay ang na­ga­ganap sa kasaluku­yan. Kapag tinigilan ni Gil ang ginagawa ay baka ako magalit sa kanya. Pero sa kilos ni Gil ay tila wala siyang balak tumigil sa gina­gawa. Bawat kilos niya ay may hatid na kiliti at sarap.

At mayroon pa si­yang ipinalasap na kakaiba. Katulad nang ipinalasap niya kay Aling Miling kagabi. Ang walanghiyang si Gil at tila eksperto sa ganoong gawain. Kaya naman pala si Aling Miling ay walang pag­sidlan sa katuwaan. Kahit pa nga maubos ang pera ay gagawin, maging kanya lamang si Gil. Para masolo ay kung anu-ano ang ga­gawing paninira at aakusahan pang bakla.

Mahusay si Gil. Mas mahusay pa kaysa kay Kuya Mike. Inaamin ko, mas nasiyahan ako sa kumag na si Gil.

“Me reklamo ka pa. Eloi?” sabi habang hini­himas ang hita ko.

Tinampal ko ang braso niya. Iba ang tinanong ko.

“Paano ka nakapa­sok dito sa kuwarto ko?”

Nagtawa. Hinimas ang dibdib ko.

“Paano ka naka­pasok?”

“Huwag mo nang alamin pa, Eloi. Basta nakuha na kita at lagi na nating gagawin ito…”

“Tarantado ka, Gil. Kapag nalaman ito ng asawa ko baka…”

“Huwag kang ma­takot dun. Baka nga hindi ka na puntahan nun.”

Umismid ako. Inulit ko ang aking tanong kanina.

“Paano ka nga na­kapasok dito, Gil?”

Napilitang mag­tapat.

“Ninakaw ko ang duplicate sa kuwarto ni Matrona. Pinatulog ko muna si Matrona at iyon na. Ikaw na­man ang pinasok ko… ang himbing mong matulog, Eloi. Pero sariwa ka ta­laga kaysa kay Matrona…”

Bilib na ako sa kumag na ito. Ma­husay gumawa ng pa­raan. At dahil sa husay, dalawa na ang babaing kan­yang sabay na nati­tikman. Ibang klase si Gil. Ito ba ang ba­ding na gaya ng sina­sabi ni Aling Miling.

“Paano pag nala­man ni Matrona na pati ako e tinitikman mo?”

“Hindi niya mala­laman, Eloi, relaks ka lang.”

“Baka paalisin niya ako rito.”

“Ako ang makaka­laban niya, Eloi. Para siyang nagtampo sa bigas.”

(Itutuloy)

Show comments