Anay (ika-65 na labas)
(Kasaysayan ni E.A.E.)
SI Gil! Siya ang sumisira sa aking pagkababae! Paano nakapasok ang kumag na ito gayong naka-lock lagi ang pinto ng kuwarto ko. At hindi ko namalayan ang pagpasok. Ah, masyadong himbing ang aking pagtulog.
“Gil, ano ba itong ginagawa mo?” sabi ko pero walang bakas ng galit.
“Shhhh! Wag ka nang maingay, Eloi. Narito na ‘to.”
“Walanghiya ka Gil…” sabi kong tila nagpapadala na lamang sa agos. Gusto ko ang ginagawa niya. Hindi ko siya maaaring pigilin. Ang pigilin siya sa ganoong nasa kasukdulan ay maaari kong ikagalit.
“Alam ko Eloi, gusto mo rin ito…”
Ang walanghiya at inaasar pa yata ako. Kabisado na ang kiliti ng babae ng walanghiya. Eto ba ang sinasabi ni Aling Miling na may pagka-bading. Sira ulo yata ang matronang iyon at pati ang barakong ito na halos pumugto sa hininga ko ay aakusahang berde ang dugo. Siguro’y sinasabi sa akin para nga hindi ako makasalo. At tama si Aling Miling na hindi basta-basta ang “nasa harapan” ni Gil. Maaaring ilaban nang patayan ng sinumang babae. Maski ako, ipaglalaban ko ang “nasa harapan” ng kumag na ito.
“Mas mahal kita Eloi kaysa kay matrona…” mahina ang pagkakasabi niya pero malakas at tila musika sa pandinig ko. Bahala siya kung iyon ay bola. Ang mahalaga, ay ang nagaganap sa kasalukuyan. Kapag tinigilan ni Gil ang ginagawa ay baka ako magalit sa kanya. Pero sa kilos ni Gil ay tila wala siyang balak tumigil sa ginagawa. Bawat kilos niya ay may hatid na kiliti at sarap.
At mayroon pa siyang ipinalasap na kakaiba. Katulad nang ipinalasap niya kay Aling Miling kagabi. Ang walanghiyang si Gil at tila eksperto sa ganoong gawain. Kaya naman pala si Aling Miling ay walang pagsidlan sa katuwaan. Kahit pa nga maubos ang pera ay gagawin, maging kanya lamang si Gil.
Mahusay si Gil. Mas mahusay pa kaysa kay Kuya Mike. Inaamin ko, mas nasiyahan ako sa kumag na si Gil.
“Me reklamo ka pa. Eloi?” sabi habang hinihimas ang hita ko.
Tinampal ko ang braso niya. Iba ang tinanong ko.
“Paano ka nakapasok dito sa kuwarto ko?”
Nagtawa. Hinimas ang dibdib ko.
“Paano ka nakapasok?”
“Huwag mo nang alamin pa, Eloi. Basta nakuha na kita at lagi na nating gagawin ito…”
“Tarantado ka, Gil. Kapag nalaman ito ng asawa ko baka…”
“Huwag kang matakot dun. Baka nga hindi ka na puntahan nun.”
Umismid ako. Inulit ko ang aking tanong kanina.
“Paano ka nga nakapasok dito, Gil?”
Napilitang magtapat.
“Ninakaw ko ang duplicate sa kuwarto ni Matrona. Pinatulog ko muna si Matrona at iyon na. Ikaw naman ang pinasok ko… ang himbing mong matulog, Eloi. Pero sariwa ka talaga kaysa kay Matrona…”
Bilib na ako sa kumag na ito. Mahusay gumawa ng paraan. At dahil sa husay, dalawa na ang babaing kanyang sabay na natitikman. Ibang klase si Gil. Ito ba ang bading na
“Paano pag nalaman ni Matrona na pati ako e tinitikman mo?”
“Hindi niya malalaman, Eloi, relaks ka lang.”
“Baka paalisin niya ako rito.”
“Ako ang makakalaban niya, Eloi.
(Itutuloy)
- Latest
- Trending