Anay (ika-64 na labas)

(Kasaysayan ni E.A.E.)

KUNG gaano ang pagka­gusto kong makita kanina ang dahilan ng pag-ungol at pagdaing ni Aling Miling, ngayong makita ko na ay ibig ko nang umatras at mag­tatakbo. Hindi ko kaya ang tanawing iyon! Mas­yadong malaswa. Si Gil na ang buong akala ko noon ay hindi papatulan ang matronang si Aling Miling ngayon ay siya pa pala ang magiging agre­sibo. Parang isang aso na sabik ngumatngat ng buto. Ang akala ko ang matrona lamang ang ga­gawa nang gagawa pero pati pala si Gil. Sobrang laswa!

Huli na para umatras sapagkat nakita ako ni Aling Miling nang hawiin ko ang kurtinang tabing. Wa­lang kakurap-kurap si Aling Miling. Para bang nakakita ng multo. Pero walang sali­tang namutawi sa bibig. Na­natiling nanahimik. Dahil kaya gusto niya ang gina­gawa ni Gil?

Si Gil dahil nakatalikod at abala sa ginagawa ay hindi ako naramdaman. Siguro’y dahil sa sobrang pagka­gusto sa “kinakaing” hindi sariwang laman.

Hindi ko kaya! Ibinalik ko nang dahan-dahan ang kur­tina at saka dahan-dahang umalis. Maingat na kinabig ang pinto at mabilis na pu­masok sa aking kuwarto.

Kung gaano ang tapang ko sa pagsugod para ma­ kita ang kalaswaan, siya naman palang duwag kapag nakita sa aktuwal. Sa akin ay mas matindi ang ginagawa ni Gil kanina kaysa sa ginawa sa kanya ni Aling Miling noong una ko silang mahuli sa banyo. Madaling maintindi­han na ang isang matro­nang ma­tagal nang hindi nadi­diligan ay ganoon ang maging aksiyon. Pero si Gil nang makita ko ang gina­gawa kay Aling Miling ay hindi ko masikmura. Kaya pala ni Gil ang ganoon. Ma­ta­pang pala ang kanyang sikmura!

Sabagay kung ganoon ang gusto ni Aling Miling ay makatatanggi ba si Gil? Ma­raming pera si Aling Miling at masisikmura ni Gil ang lahat. Gaano man kahirap ang pi­na­gagawa ng matro­na ay ma­kakaya niya sa­pagkat ang kapalit ay ma­raming pera!

Naalala ko naman ang sinabi ni Gil na kung pa­payag ako na kami ng dala­wa ang magsama ay ibi­bigay niya sa akin ang lahat nang perang mahuhuthot niya sa matrona. Hindi naman daw niya talagang gusto si Aling Miling — ang gusto la­mang niya rito ay pera. Naka­tulugan ko ang mga isiping iyon ga­noon din ang na­saksi­hang kahala­yan sa ku­warto ng kumag na si Gil.

Madaling-araw nang may maramdaman akong kakaibang nangyayari sa akin. Ang akala ko ay na­nanaginip lamang ako. Na­kapatong ang isang lalaki sa akin. Nararam­daman ko ang pagsira niya sa aking pagkaba­bae. Pero bakit hinaha­yaan ko ang ginagawa. Gusto ko rin ang gina­gawa. Paano nakapasok ang lalaki sa aking kuwarto?

(Itutuloy)

Show comments