Anay (ika-64 na labas)
(Kasaysayan ni E.A.E.)
KUNG gaano ang pagkagusto kong makita kanina ang dahilan ng pag-ungol at pagdaing ni Aling Miling, ngayong makita ko na ay ibig ko nang umatras at magtatakbo. Hindi ko kaya ang tanawing iyon! Masyadong malaswa. Si Gil na ang buong akala ko noon ay hindi papatulan ang matronang si Aling Miling ngayon ay siya pa pala ang magiging agresibo. Parang isang aso na sabik ngumatngat ng buto. Ang akala ko ang matrona lamang ang gagawa nang gagawa pero pati pala si Gil. Sobrang laswa!
Huli na para umatras sapagkat nakita ako ni Aling Miling nang hawiin ko ang kurtinang tabing. Walang kakurap-kurap si Aling Miling.
Si Gil dahil nakatalikod at abala sa ginagawa ay hindi ako naramdaman. Siguro’y dahil sa sobrang pagkagusto sa “kinakaing” hindi sariwang laman.
Hindi ko kaya! Ibinalik ko nang dahan-dahan ang kurtina at saka dahan-dahang umalis. Maingat na kinabig ang pinto at mabilis na pumasok sa aking kuwarto.
Kung gaano ang tapang ko sa pagsugod para ma kita ang kalaswaan, siya naman palang duwag kapag nakita sa aktuwal. Sa akin ay mas matindi ang ginagawa ni Gil kanina kaysa sa ginawa sa kanya ni Aling Miling noong una ko silang mahuli sa banyo. Madaling maintindihan na ang isang matronang matagal nang hindi nadidiligan ay ganoon ang maging aksiyon. Pero si Gil nang makita ko ang ginagawa kay Aling Miling ay hindi ko masikmura. Kaya pala ni Gil ang ganoon. Matapang pala ang kanyang sikmura!
Sabagay kung ganoon ang gusto ni Aling Miling ay makatatanggi ba si Gil? Maraming pera si Aling Miling at masisikmura ni Gil ang lahat. Gaano man kahirap ang pinagagawa ng matrona ay makakaya niya sapagkat ang kapalit ay maraming pera!
Naalala ko naman ang sinabi ni Gil na kung papayag ako na kami ng dalawa ang magsama ay ibibigay niya sa akin ang lahat nang perang mahuhuthot niya sa matrona. Hindi naman daw niya talagang gusto si Aling Miling — ang gusto lamang niya rito ay pera. Nakatulugan ko ang mga isiping iyon ganoon din ang nasaksihang kahalayan sa kuwarto ng kumag na si Gil.
Madaling-araw nang may maramdaman akong kakaibang nangyayari sa akin. Ang akala ko ay nananaginip lamang ako. Nakapatong ang isang lalaki sa akin. Nararamdaman ko ang pagsira niya sa aking pagkababae. Pero bakit hinahayaan ko ang ginagawa. Gusto ko rin ang ginagawa. Paano nakapasok ang lalaki sa aking kuwarto?
(Itutuloy)
- Latest
- Trending