Anay (ika-63 labas)

(kasaysayan ni E.A.E)

MAGKUKUNWARI akong may hihiramin  kay Gil kaya ako nag­punta sa kuwarto niya. Trip ko lang. Gusto ko muling makita ang gi­nagawa nila. Bahala na kung ano ang isipin ni Aling Miling.

Pinalipas ko muna ang may sampung mi­nu­to bago ko ipinas­yang magtungo sa ku­warto ni Gil. Dahan-dahan ang hakbang ko sa pagtungo roon. Ti­natantiya ko na nasa kasukdulan na ang ka­nilang ginagawa, ha-ha-ha.

At para namang na­kikisama sa akin ang pagkakataon. Nakaa­wang nang bahagya ang pintuan. Masyado nang makakalimutin si Aling Miling kaya hindi na na­ isara ang pinto. O marahil ay dahil sa sob­rang ka­sabikan kay Gil kaya hindi na inintindi kung naiwan mang nakaawang ang pinto. Hindi ba’t ganito rin ang nangyari noong una ko silang mahuli. Nakaa­wang din ang pinto kaya nangahas na akong pu­masok noon.

Hindi na ako nagpa­tumpik-tumpik pa sa pag­pasok. Itinulak ko nang marahan ang pin­to. Bu­mukas. Tahimik sa loob. Palibhasa’y kabi­sado ko ang kuwarto ni Gil kaya kabisado ko ang hakbang. Sinilip ko ang salas. Waka sila roon. Nasa maliit na  silid marahil. Dahan-dahan akong hu­mak­bang patungo roon. Nakarinig ako ng ungol. Doon nga. Ang kapi­rang­got na silid ay na­tatabingan lamang ng kurtina. Parang kurtina sa ospital na kaya inila­lagay ay para magka­- roon ng privacy. Kahit na kulay asul ang kur­tina ay nakikita ko pa rin ang anino ng taong nasa   loob. Paano’y manipis ang kurtina. Bukod doon ay may nakatutok na    ilaw  na nasa lamp­shade kaya halatang-halata  ang anino.

Dinig na dinig ko ang ungol ni Aling Miling. Ka­kaiba kaysa noong una ko silang mahuli na na walang marinig kay Aling Miling dahil may “naka­subong saging” ngayon ay mas mai­ngay si Aling Miling. Ang ungol ay tila  sa isang nahihirapan na hindi ko maintindihan.

“Ahhh Gil ano ba… ano ba?”

Napalunok ako. Anong ginagawa ni Gil at tila nagagalit na hindi ko  ma­intindihan ang ma­trona.

“Gil… Gil …aaah.”

Hindi ko na matiis ang mga naririnig sa matrona. Kapag gano­on na ang naririnig, mala­kas ang bulong sa aking utak na ting­nan ang dahilan niyon. Hindi ako makukun­tento sa paki­kinig lang. Kailangang makita ang dahilan para masi­yahan.

Hinawi ko ang kur­-tina at natambad ang kaha­layan ni Gil at ng matrona. Napalu­nok ako. Hindi ko yata kaya.

(Itutuloy)

Show comments