Anay (ika-63 labas)
(kasaysayan ni E.A.E)
MAGKUKUNWARI akong may hihiramin kay Gil kaya ako nagpunta sa kuwarto niya. Trip ko lang. Gusto ko muling makita ang ginagawa nila. Bahala na kung ano ang isipin ni Aling Miling.
Pinalipas ko muna ang may sampung minuto bago ko ipinasyang magtungo sa kuwarto ni Gil. Dahan-dahan ang hakbang ko sa pagtungo roon. Tinatantiya ko na nasa kasukdulan na ang kanilang ginagawa, ha-ha-ha.
At para namang nakikisama sa akin ang pagkakataon. Nakaawang nang bahagya ang pintuan. Masyado nang makakalimutin si Aling Miling kaya hindi na na isara ang pinto. O marahil ay dahil sa sobrang kasabikan kay Gil kaya hindi na inintindi kung naiwan mang nakaawang ang pinto. Hindi ba’t ganito rin ang nangyari noong una ko silang mahuli. Nakaawang din ang pinto kaya nangahas na akong pumasok
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa sa pagpasok. Itinulak ko nang marahan ang pinto. Bumukas. Tahimik sa loob. Palibhasa’y kabisado ko ang kuwarto ni Gil kaya kabisado ko ang hakbang. Sinilip ko ang salas. Waka sila roon. Nasa maliit na silid marahil. Dahan-dahan akong humakbang patungo roon. Nakarinig ako ng ungol.
Dinig na dinig ko ang ungol ni Aling Miling. Kakaiba kaysa noong una ko silang mahuli na na walang marinig kay Aling Miling dahil may “nakasubong saging” ngayon ay mas maingay si Aling Miling. Ang ungol ay tila sa isang nahihirapan na hindi ko maintindihan.
“Ahhh Gil ano ba… ano ba?”
Napalunok ako. Anong ginagawa ni Gil at tila nagagalit na hindi ko maintindihan ang matrona.
“Gil… Gil …aaah.”
Hindi ko na matiis ang mga naririnig sa matrona. Kapag ganoon na ang naririnig, malakas ang bulong sa aking utak na tingnan ang dahilan niyon. Hindi ako makukuntento sa pakikinig lang. Kailangang makita ang dahilan para masiyahan.
Hinawi ko ang kur-tina at natambad ang kahalayan ni Gil at ng matrona. Napalunok ako. Hindi ko yata kaya.
(Itutuloy)
- Latest
- Trending