(Kasaysayan ni E.A.E.)
“HUWAG mo akong hamunin, Eloi at talagang hihipuan kita.”
“Sige subukan mo at nang isumbong kita sa asawa ko.”
“Di ba kabit ka lang?”
Napamaang ako. Sinabi ng deretsahan na kabit ako. Masakit pakinggan kahit na totoo.
“O e ano ngayon kung kabit?” tanong ko. Halatang pikon ang boses ko.
“Wala. Kasi’y parang ang tapang mo sa akin ngayon, Eloi. Galit ka ba sa akin?”
“Hindi.”
“Kasi’y parang masama ang loob mo nang mahuli mo kami ni Aling Miling.”
“Ano ba’t sasama ang loob ko. Bahala kayo sa ginagawa n’yo.”
“Me gusto ka sa akin ano?” sabi ni Gil na nakangisi.
“Uy ba’t ako magkakagusto sa’yo. Me asawa naman ako.”
“Huwag ka nang magkunwari Eloi. Madali kong mahalata ang babae kapag may gusto siya sa lalaki.”
“Oy kapal ng mukha mo. Ba’t ako magkaka-gusto sa’yo e may asawa naman ako. At saka ba’t ikaw ang pipiliin ko e nahimod na ni Aling Miling ‘yang ano mo.”
Nagtawa si Gil.
“Napipilitan lang ako kay Matrona. Kundi nga lang kailangan ko ng pera, e hindi ako papatol sa kanya. Gusto ko sana ikaw ang kapartner ko Eloi. Mas bata.”
“Huwag mo akong kulitin, Gil. Isusumbong kita sa asawa ko. O pati kay Aling Miling.”
“E sa totoo naman ang sinasabi ko na gusto kita. Gusto mo, lahat ng mahuhuthot ko kay Aling Miling e ibigay ko sa’yo…”
Napalunok ako. Ano itong nararamdaman ko at nagagahaman na naman ako. Pera na naman ang babagsak sa palad ko. Ano ba itong nangyayaring ito?
“Ano Eloi? Hindi naman malalaman ni Matrona.”
Pinipilit ako ng kumag na ito.
“Maraming pera si Matrona. Ipinakita sa akin ang laman ng bankbook niya. Dami!”
Napalunok ako.
“Bukod dito sa paupahan niyang mga kuwarto e may palaisdaan pa pala siya at babuyan sa Bulacan. Sabi nga sa akin minsan e mag-picnic kami sa Bulacan. Mag-iihaw ng bangus at magpapakatay siya ng baboy…”
Napalunok muli ako.
“Sabi niya ibibigay sa akin ang anumang gusto ko. Sabi pa nga mag-resign na ako sa Customs dahil mas marami siyang atik. Kung ano raw ang nakukuha ko sa Customs, ibibigay niya sa akin…”
Ano ba itong nangyayari sa akin at takaw na takaw na naman ako.
“Sabi pa ni Matrona, ako lamang daw sa lahat ng lalaki ang inoperan niya ng ganoon. Kasi raw maligayang-maligaya siya sa akin. Satisfied na satisfied daw siya.”
Naalala ko ang sinabi ni Aling Miling na malaki ang hinaharap ni Gil. At parang totoo nga sapagkat nang mahuli ko sila sa banyo e hindi mailuwa ni Aling Miling ang nakasubong “hinaharap” ni Gil.
“Kapag nahuthot ko ang pera niya, ibibigay ko lahat sa’yo, Eloi. Tayo na ang magsama. Binata naman ako. Hindi ka na magiging kabit. Magiging Mrs. Eloi Sta. Ana ka na…”
Nangarap na agad ako. Posible nga iyon.
“Ano Eloi?”
Hindi ako makasagot. Naguguluhan ako.
(Itutuloy)