(Kasaysayan ni E.A.E.)
BINUKSAN din ang pinto. Madilim sa loob nakita ko. Isinungaw ni Gil ang ulo sa pinto.
“Oy Nene.”
“Oy ka rin Gil,” sabi ko at nagtawa siya.
“Hindi mo ako papapasukin Gil.”
“Ano e teka sandali ha?”
Inalis ang pagkakasungaw ng ulo sa pinto. Maya-maya ay bumalik muli sa may pinto. Ano kayang meron sa loob at parang takot na takot kaya ayaw akong papasukin. Hindi kaya may session sila ni Aling Miling! Posible.
“Marumi, Nene kaka hiya naman sa’yo… hindi pa ako naglilinis.”
“E di wala ka dapat ipag-alala dahil ipaglilinis kita.” sagot kong nagtatawa at umakma akong papasok.
“Sige na nga pasok ka na!”
Pumasok ako. Hindi naman marumi. Talaga lang siguro ayokong makausap.
Naupo ako sa sopa.
“Bakit parang ayaw mo akong makausap, Gil?”
“Hindi naman, Nene. Wala lang talaga akong oras.”
“Kaya?”
“Oo nga Nene. Siyanga pala meron akong magandang re galo sa iyo, magugustuhan mo.”
“Sinusuhulan mo ba ako dahil sa nakita ko kayong dalawa ni Aling Miling?”
Namutla si Gil sa sinabi ko. Hindi niya akalain na itatanong ko ang tungkol doon.
“Hindi naman, Nene, regalo ko talaga sa iyo ‘yan.”
“Hindi naman kita ititsismis Gil. Magtiwala ka, “ sabi ko sabay tawa.
“Alam ko naman.”
“Akala ko ba Gil, nandidiri ka kay Aling Miling e iyon at sarap na sarap ka sa ginagawa niya…”
“A e kuwan, siya lang ang may gusto nun.”
Nagsisinungaling pa ang kumag.
“Akala ko pa naman ay kagalang-galang kang lalaki at hindi papatol sa matrona.”
“A e sa atin-atin na lang ito, Nene. Pinanga kuan kasi ako ni Aling Miling nang malaking halaga at naisip ko wala namang mawawala sa akin, kaya pumayag na ako. Nasarapan na ako e may pera pa.”
“Ibang klase ka Gil. Akala ko ba e madali mong kitain ang pera dahil nasa Customs ka?”
“E nauubusan din paminsan-minsan, Nene.”
“Siyanga pala Gil mula ngayon huwag na akong tawaging Nene ha? Tawagin mo akong Eloi. (Itutuloy)