(Kasaysayan ni E.A.E.)
NANG makapasok ako sa aking kuwarto at tingnan kung magkano ang perang ibinigay sa akin ni Aling Miling ay nagulat ako sapagkat isang libong pisong malutong!
Mapera talaga ang matrona. Handang sumuhol para lang maitago lang ang kanyang lihim. At kung magpapatuloy ang kanilang session ng kumag na si Gil, marami pa akong tatanggapin sa kanya. At sa himig ng pananalita ng matrona, muk hang magtatagal ang kanilang “relasyon” ni Gil dahil gusto rin naman ng kumag, ha-ha-ha! Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit pinagpipilitan ni Aling Miling na may pagkabakla si Gil. Hindi ako naniniwala dahil minsan na akong hinipuan ng kumag. Hindi ba’t hinipo ang suso ko noon. Paano magiging bakla ang kumag. Pero nagsorry naman. Hindi talaga ako makapaniwala na baklita si Gil. Pero ang pinatotohanan ni Aling Miling na kaya enjoy na enjoy siya kay Gil ay sapagkat talaga namang “malaki” ang hinaharap nito. At palagay ko nga ay totoo sapagkat nang mahuli ko sila sa banyo ay kitang-kita ko na hindi malaman ni Aling Miling kung iluluwa o hindi ang nakasubong malaking saging. Enjoy nga si Aling Miling at siguro ay mamamatay siya kapag hindi naipagpatuloy ang kaligayahan sa piling ng kumag na si Gil.
Kaya nga ang mahigpit niyang pakiusap sa akin ay huwag na akong maingay sa aking nakita. Siya na raw ang bahala sa akin. Kaming dalawa na lamang daw ang nagkakaintindihan. Kahit daw kay Michael o Kuya Mike ay huwag kong ikukuwento. Hindi naman niya alam na naikuwento na sa akin ni Kuya Mike ang kanyang sekreto, ha-ha-ha.
Kung magpapatuloy ang kanilang “session” ni Gil patuloy din pala ang aking pamemera. Baka bawat session nila ay mayroon akong isang libo, ha-ha-ha! Sabagay hindi naman ako ang humingi nito, siya ang nagkusang suhulan ako. Wala akong ginagawang mali.
Kaya tama lamang aking desisyon na huwag nang umalis sa kuwartong ito. Tama ang aking pasya na huwag nang pumayag sa gusto ni Kuya Mike na ilipat ako sa condo. Mas nakasisiguro ako rito na hindi magugutom. Sa condo, baka mabulok ako, dito sa kuwartong ito, kusang darating ang pera sa akin dahil sa matronang si Aling Miling. Hindi ko na kailangang hanapin ang pera at hindi ako magiging kawawa.
Isa pa hindi ako nakatitiyak na kapag dinala ako sa condo ni Kuya Mike ay matutupad ang lahat ng kanyang mga sinabi na susustentuhan ako. Duda pa rin ako kay Kuya Mike kahit na tinakot ko siyang ipagtatapat kay Ate Marie ang aming relasyon. Hindi ako nakatitiyak na gagawin niya ang mga pangako. Darating ang araw na iiwan din niya ako. Ngayon ay laway na laway siya sa akin pero matutuyo rin ang masaganang katas at kapag nangyari iyon, tiyak na maghahanap uli siya ng sariwa. Kilala ko na ang likot ng isip ni Kuya Mike. Tahimik pero nasa loob ang kulo. Duwag kapag tinakot pero magaling namang magpaikot ng kagaya kong mahina.
Isang linggo na ang nakalilipas mula nang madiskubre ko ang ginagawa nina Aling Miling at Gil ay hindi naman ako mapakali. Para bang gusto kong masaksihang muli ang ginagawa nila, ha-ha-ha. Ano ba itong nangyayari sa akin at masyado nang weird ang aking naiisip.
Ipinasya kong usisain ang kumag na si Gil. Mula nang mahuli ko sila ni Aling Miling ay hindi ko na nakita ang anino. Umiiwas sa akin.
Ipinasya kong bisitahin sa kuwarto niya isang gabi. Titingnan ko kung ano ang ginagawa ng kumag. Ano kaya ang palusot na sasabihin sa akin.
Pinuntahan ko sa kuwarto niya si Gil. Kumatok ako. Marahan lang. Matagal bago binuksan.
(Itutuloy)