^

True Confessions

Anay (ika-56 na labas)

- Ronnie M. Halos -

(Kasaysayan ni E.A.E.)

NANG makapasok ako sa aking kuwarto at tingnan kung mag­kano ang perang ibi­nigay sa akin ni Aling Miling ay nagulat ako sapagkat isang libong pisong malutong!

Mapera talaga ang matrona. Handang su­muhol para lang ma­itago lang ang kan­yang lihim. At kung magpa­patuloy ang kanilang session ng kumag na si Gil, marami pa akong tatanggapin sa kanya. At sa himig ng pana­nalita ng matrona, muk­ hang magta­tagal ang kanilang “relasyon” ni Gil dahil gusto rin naman ng kumag, ha-ha-ha! Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit pinag­pipilitan ni Aling Miling na may pagkabakla    si Gil. Hindi ako na­niniwala dahil minsan na akong hinipuan     ng kumag. Hindi ba’t hinipo ang suso ko noon. Paano magiging bakla ang kumag. Pero nagsorry naman. Hindi talaga ako ma­kapaniwala na baklita si Gil. Pero ang pina­totohanan ni Aling Miling na kaya enjoy na enjoy siya kay Gil ay sapagkat talaga na­mang “malaki” ang hina­harap nito. At palagay ko nga ay totoo sapag­kat nang mahuli ko sila sa banyo ay kitang-kita ko na hindi malaman ni Aling Miling kung ilu­luwa o hindi ang naka­subong malaking saging. Enjoy nga si Aling Miling at siguro ay ma­mamatay siya kapag hindi naipagpatuloy ang kaligayahan sa piling ng kumag na si Gil.

Kaya nga ang ma­hig­pit niyang pakiusap sa akin ay huwag na akong maingay sa aking nakita. Siya na raw ang bahala sa akin. Kaming dalawa na lamang daw ang nagkakaintindihan. Kahit daw kay Michael o Kuya Mike ay huwag kong ikukuwento. Hindi naman niya alam na naikuwento na sa akin ni Kuya Mike ang kan­yang sekreto, ha-ha-ha.

Kung magpapatuloy ang kanilang “session” ni Gil patuloy din pala ang aking pamemera. Baka bawat session nila ay mayroon akong isang libo, ha-ha-ha! Sabagay hindi naman ako ang humingi nito, siya ang nagkusang suhulan ako. Wala akong gina­gawang mali.

Kaya tama lamang aking desisyon na hu­wag nang umalis sa kuwartong ito. Tama ang aking pasya na huwag nang pumayag sa gusto ni Kuya Mike na ilipat ako sa condo. Mas nakasisiguro ako rito na hindi magugu­tom. Sa condo, baka ma­bulok ako, dito sa ku­wartong ito, kusang da­rating ang pera sa akin dahil sa matronang si Aling Miling. Hindi ko na kailangang hanapin ang pera at hindi ako magi­ging kawawa.

Isa pa hindi ako na­katitiyak na kapag dina­la ako sa condo ni Kuya Mike ay matutu­pad ang lahat ng kanyang mga sinabi na sususten­tu­han ako. Duda pa rin ako kay Kuya Mike kahit na tinakot ko siyang ipagtatapat kay Ate Marie ang aming relas­yon. Hindi ako nakati­ti­yak na gagawin niya ang mga pangako. Da­rating ang araw na iiwan din niya ako. Ngayon ay laway na laway siya sa akin pero matutuyo rin ang masaganang katas at kapag nangyari iyon, tiyak na maghahanap uli siya ng sariwa. Kilala ko na ang likot ng isip   ni Kuya Mike. Tahimik pero nasa loob ang kulo. Duwag kapag tinakot pero magaling namang magpaikot ng kagaya kong mahina.

Isang linggo na ang nakalilipas mula nang madiskubre ko ang ginagawa nina Aling Miling at Gil ay hindi naman ako mapakali. Para bang gusto kong masaksihang muli ang ginagawa nila, ha-ha-ha. Ano ba itong nang­yayari sa akin at mas­yado nang weird ang aking naiisip.

Ipinasya kong usi­sain ang kumag na si Gil. Mula nang mahuli ko sila ni Aling Miling ay hindi ko na nakita ang anino. Umiiwas sa akin.

Ipinasya kong bisi­tahin sa kuwarto niya isang gabi. Titingnan ko kung ano ang gina­gawa ng kumag. Ano kaya ang palusot na sasabihin sa akin.

Pinuntahan ko sa kuwarto niya si Gil. Kumatok ako. Mara­han lang. Matagal bago binuksan.

(Itutuloy)

AKIN

AKO

ALING MILING

GIL

KUYA MIKE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with