(Kasaysayan ni E.A.E.)
PARANG me sakit na hindi ko maintindihan si Aling Miling. Siguro’y talaga lang “kating-kati” na siya. Baka nang oras na iyon ay talagang hindi na niya kaya ang sikad ng kanyang bogli…”
Napamaang ako sa kinuwento ni Gil. May ganoon palang babae na kapag inaabot ng “kati” ay halos magmakaawa. Sakit na nga siguro iyon.
Nagpatuloy sa pagkukuwento si Gil.
“E ako talagang hindi magkaroon ng pagnanasa kay Aling Miling. Hindi ko kaya ang matrona…”
“Anong ginawa mo?” tanong kong atat na atat.
“Sabi ko pasensiya na dahil ano… iginagalang ko siyang parang ina…”
“Nasabi mo iyon?”
“Oo. Talagang pinrangka ko. Hindi ko talaga kaya ang isang matrona.”
“Anong sabi matapos mong sabihin na ang turing mo sa kanya ay isang ina…”
“Nagalit sa akin. Iglap ang pagkagalit na parang gusto akong lamunin nang buhay. Masyado yatang nabigo…”
“Tapos anong nangyari?”
“Isinuot muli ang hinubad na daster at saka lumabas na.”
“Wala nang ibang sinabi sa’yo?”
“Wala na.”
“E kapag nagkakasalubong kayo binabati ka?”
“Noong una e hindi. Talagang ipinakikita ang galit. Nagdadabog at ibinabagsak ang paa kapag nagkakasalubong kami.”
“E ngayon okey na kayo?”
“Medyo. Hindi kasi niya ako magawang paalisin dahil advance akong magbayad. Alam kasi niya na marami akong pambayad.”
“Saan ka ba nagwo-work?” tanong ko.
“Customs.”
Tiningnan ko siya. May nakita akong matabang kuwintas sa leeg at may singsing na mamahalin.
“At alam mo ba na nalaman kong ang mga lalaking nangungupahan dito e binobosohan pala ni Aling Miling.”
“Paano mo nalaman?”
“Yung kuwarto ni Aling Miling ay katabi ng banyo. Nadiskubre kong me butas sa dingding…”
(Itutuloy)