^

True Confessions

Anay (ika-8 na labas)

- Ronnie M. Halos -

(Kasaysayan ni E.A.E.)

KINAGABIHAN, mga dakong ala-una ng madaling araw kung saan tulog na tulog na ang mga bata, ay nakarinig ako ng mga yabag pa­tungo sa aking kuwarto. Sinunod ko ang utos ni Kuya Mike na huwag nang ikandado ang pinto. Alipin na niya ako kaya sinunod ko.

“Eloi!”

“Kuya!”

Bahagya kong itinulak ang pinto. Lumangitngit. Ma­agap na nahawakan ni Kuya Mike ang pinto. Ma­bilis itong pumasok. Ma­dilim sa loob ng aking ku­warto pero malinaw ang akIng mga mata kahit sa dilim.

“Akala ko nagbibiro ka lang Kuya…” sabi ko at humawak sa braso niya.

“Hindi ako palabiro. Kapag sinabi ko, ginagawa ko.”

“Kasi’y ’kala ko baka pagod ka na dahil may trabaho ka sa office.”

“Wala akong ginagawa sa office dahil boss ako.”

“Ang galing mo talaga Kuya kaya crush kita…”

“Bolera ka rin ano. Akala ko mahilig ka lang…”

“Si Kuya naman…”

Inihiga ako ni Kuya sa aking kama. Lumangitngit din iyon. Pero hindi na namin pinansin kahit na lumalangitngit. Sayang ang oras. Hindi nga pagod si Kuya dahil napaligaya ako.

Mag-aalas-tres na siya lumabas ng aking ku­warto.

Kinabukasan habang pinagsisilbihan silang mag-aama sa hapag ka­inan ay wala kaming imi­kan. Parang walang nang­yari.

Nasundan pa ang mga ginawa namin hang­gang sa dumating na si Ate Marie mula Singa­pore.

(Itutuloy)

ATE MARIE

KUYA

KUYA MIKE

LUMANGITNGIT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with