Ulag (ika-85 na labas)

 (Kasaysayan ni L.B.G.)

PARANG tumama sa lottery si Sam sa sina-bi ni Jane na sa kanya lamang isu­suko ang virginity. Hindi pa nasi­ya­han ay ipinaulit pa kay Jane ang sinabi.

“Sa iyo ko lamang isusuko ang aking ka­ bir­henan. O ano pa ang gusto mo, Mr. Sam?”

“Okey na po. Pi­na­saya mo ako nang labis, Jane.”

“Kaya nga huwag mo akong lolokohin da­hil hindi ako ang kala­ban mo kundi si Nanay Auring. Hu­man­da ka kapag nag­hanap ka pa ng iba diyan sa loob ng isang taon.”

“Hindi ako magha­ha­nap. Hindi na ako maulag ano?”

“Ay ang bastos nito?”

“Tayo lang naman ang nakaaalam ng salitang maulag di ba? Taga-Min­ doro lamang ang may alam niyan.”

“Kakahiyang mag­salita n’yan, Sam.”

“Maski ang kaibigan kong si Leo hindi alam ang “maulag”. Ipinali­wa­nag   ko sa kanya ang kahulu­gan. Wala siyang kaalam-alam na ang asawa pala niya ay pi­namagatan ng kalagu­yo niya ng “ulag”.

Ikinuwento ni Sam ang tungkol sa asawa ni Leo na nagkaroon ng kalagu­yo at nahuli sa akto. Bi­nanggit din ni Sam na ka­mamatay nga lang ng asa­wa ni Leo.

“Kawawa pala si Leo ano Sam.”

“Oo. Pero ngayon, ma­li­ gaya na siya katu­lad ko. Mula nang maki­lala niya si Lea, nalimu­tan na niya  ang masa­mang bangu­ngot.”

Pinag-usapan nila ang tungkol sa kanilang saba­ yang kasal na gagawin pagkalipas ng isang taon.

“Gusto ko sana dito sa Socorro magpaka­sal, Sam. Pero kung saan ang gusto nina Leo at Lea, payag na rin ako. Kung gusto nila sa Ta­gaytay. Doon na rin ang reception. Maganda roon…”

“Sasabihin ko. Mas mabuti yata magka­usap kayo ni Lea. Sa Biyer­ nes tatawagan ka na­min. Para mag­kakilala na kayo ni Lea.”

(Itutuloy)

Show comments