Ulag (ika-84 na labas)

(Kasaysayan ni L.B.G.)

SANA sa loob ng isang taon ay wala kang ma­kitang ibang babae diyan, Sam,” sabi ni Jane. Seryoso ang tinig.

“Wala na akong makiki­tang ibang babae rito, Jane.”

“Sana nga.”

“Parang duda ka pa sa akin Jane.”

“Kasi alam ko chickboy ka. Sinabi na ni Nanay Auring sa akin na marami ka raw chicks…”

Si Nanay Auring na bi­nanggit ni Jane ang ina ni Sam. Hindi agad nakapag­salita si Sam. Talaga palang hinubaran na siya ng ina kay Jane. Siguro gusto ni Nanay Auring na makita ang lahat-lahat kay Sam. Inamin naman ni Sam ang lahat kay Jane.

“Nagbago na ako Jane mula nang makilala kita. Ikaw ang nagpabago sa akin.”

“Talaga ha? Hindi mo ako binibiro.”

“Hindi Jane. Totoo na talaga ito.”

“Hindi pa kasi tayo nagki­kita nang personal. Pawang sa sulat at telepono lang tayo.”

“Kahit hindi pa tayo nagk­i­kita nang personal, sigurado na ako sa sarili ko na ikaw na talaga ang huling babae sa buhay ko. Walang biro.”

“Dapat lang dahil kapag naghanap ka pa ng iba, may papatay sa iyo.”

“Sino?”

“Si Nanay Auring. Sabi niya sa akin, isumbong ko raw sa kanya ang mga gagawin mo at siya ang bahala. Itatali ka raw niya sa bahay ng guyam…”

Ang guyam (salitang Min­doro) ay langgam.

“Ay ang sakit kumagat ng guyam, Jane. Baka pati singit ko at balls ay upakan ng kagat.”

Napahagikgik si Jane. Ma­dalas na niyang naririnig ang hagikgik ni Jane pero sa pag­kakataong iyon lamang niya narinig ang masarap na hagikgik nito.

“Hindi na ako katulad ng dati, Jane. Maski itanong mo sa kaibigan kong si Leo. Siya ang magpapatunay na tala­gang iisa na lamang ang ba­baing nagmamay-ari ng aking puso. At iyon ay walang iba kundi ang prinsesa ng Socorro — ikaw Jane…”

“Hmmm… sige na nga naniniwala na ako.”

“E kung ako naman kaya ang magsabi na baka sa loob ng isang taon ay may man­ligaw sa’yo diyan. Malay ko kung may kasamahan kang teacher diyan na may gusto sa’yo. Maganda ka, matalino, mabait, malambing, magiliw, mapagkumbaba…etc. Hindi nakapagtataka na marami ang humanga sa iyo.”

“Uy wala pong magkaka­gusto sa akin dito dahil iisa lang kasamahan kong teacher na lalaki na bukod sa matanda na e may asawa at mga anak na…”

“Ay salamat naman, Jane.”

“Walang mangangahas manligaw sa akin, Sam. At kung may manliligaw man, sasabihin ko me siyota na akong guwapo na nasa Saudi.”

Si Sam naman ang hu­magikgik. Ang huling sinabi ni Jane ang lalong nakaka­pagpasaya kay Sam na parang gusto niyang maglu­lundag sa tuwa.

“Sa iyo ko lamang isu­suko ang aking virginity, Sam.”

“Yahooo!”

(Itutuloy)

Show comments