(Kasaysayan ni L.B.G.)
TOTOO ang isinulat ng aking kamag-anak ukol sa panlalalaki ni Mariz. May lalaki ang aking asawa na isang OFW sa Jeddah. Masakit matuklasan ang katotohanan pero kailangang tanggapin.
Natuklasan ko ang lahat nang hindi sinasadya ay may makuha akong sulat sa isang lumang handbag ni Mariz. Naglinis ako ng aming kuwarto at nakita ang bag na nakasabit sa sulok sa likod ng pinto. Hindi ko naman talaga balak na pakialaman ang laman ng bag dahil hindi ko ugaling magbulatlat ng hindi pag-aari. Pero nalaglag ang sulat dahil nakabukas ang siper ng bag. Basta na lang isinaksak ang sulat sa bag.
Dinampot ko ang sulat at nakita kong sulat iyon ng lalaki na naka-address kay Mariz. Ang sulat ay galing sa Riyadh pa. Ibig sabihin, doon unang nagtrabaho ang lalaki.
Kinutuban ako kaya binasa ko na ang sulat. Ang lalaki ay nakilala niya no-ong panahong nasa Ri-yadh si Mariz. Hindi kaya iyon ang dahilan kaya ayaw niya akong papuntahin sa Riyadh? Kaya siya tumututol ay dahil maaaring makilala ko ang la-laki niya roon.
Hinalungkat ko pa ang bag at ilan pang sulat ang aking nakita roon. Doon ko nalaman na nalipat na pala sa Jeddah ang lalaki. At ngayon ay tamang-tama na bakasyon niya. Iyon ang dahilan kaya umaalis ng bahay si Mariz at iniiwan ang aming anak sa kapitbahay.
(Itutuloy)