^

True Confessions

Ulag (ika-57 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni L.B.G.)

TOTOO ang isinulat ng aking kamag-anak ukol sa panlalalaki ni Mariz. May lalaki ang aking asawa na isang OFW sa Jeddah. Masakit matuk­lasan ang katotohanan pero kailangang tangga­pin.

Natuklasan ko ang lahat nang hindi sinasa­dya ay may makuha akong sulat sa isang lumang handbag ni Mariz. Naglinis ako ng aming kuwarto at nakita ang bag na nakasabit sa sulok sa likod ng pinto. Hindi ko naman talaga balak na pakialaman ang laman ng bag dahil hindi ko ugaling magbulatlat ng hindi pag-aari. Pero nalaglag ang sulat dahil nakabukas ang siper ng bag. Basta na lang isinaksak ang sulat sa bag.

Dinampot ko ang sulat at nakita kong sulat iyon ng lalaki na naka-address kay Mariz. Ang sulat ay galing sa Riyadh pa. Ibig sabihin, doon unang nagtrabaho ang lalaki.

Kinutuban ako kaya binasa ko na ang sulat. Ang lalaki ay nakilala niya no-ong panahong nasa Ri-yadh si Mariz. Hindi kaya iyon ang dahilan kaya   ayaw niya akong papun­tahin sa Riyadh? Kaya    siya tumututol ay dahil ma­aaring makilala ko ang la-laki niya roon.

Hinalungkat ko pa ang bag at ilan pang sulat ang aking nakita roon. Doon ko nalaman na nalipat na pala sa Jeddah ang lalaki. At ngayon ay tamang-tama na bakasyon niya. Iyon ang dahilan kaya umaalis ng bahay si Mariz at iniiwan ang aming anak sa kapitbahay.

(Itutuloy)

DINAMPOT

HINALUNGKAT

IBIG

JEDDAH

MARIZ

RIYADH

SULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with