Ulag (53)
“NARITO na pala kayo?”
Iyon ang nasabi ni Mariz nang buksan ang pinto at makita ako na nakaupo sa sopa.
“Kanina pa kayo?” tanong muli ni Mariz.
“Hindi pa natatagalan.”
“Asan ang anak mo?”
“Natutulog sa kuwarto.”
“Anong binili mo sa kanya?”
“Laruan at damit.”
Hindi ko naman tinatanong kung saan siya nanggaling at inabot ng ganoon kalalim na gabi ay siya na mismo ang nagkusang nagsabi.
“Nanggaling ako sa bahay ng classmate ko noong high school. Kauuwi lamang niya galing sa Tate. Biglaan ang pagkikita kaya hindi ko na nasabi sa iyo.”
Napatangu-tango ako. Baka naman nagsasabi ng totoo si Mariz. Sabi nga sa akin ng kaibigan kong si Sam, ay huwag daw agad akong maniniwala sa mga sabi-sabi dahil baka may naiinggit lamang o nagagalit kay Mariz. At para kami paghiwalayin ay gagawa ng mga katha-kathang istorya.
“Ang dami naming kinain sa bahay nila.”
“Ilan kayong nagtungo sa bahay ng classmate mo?” tanong ko.
“Apat kami. Napakasaya. Maraming pagkain.”
“Anong oras ka nagtungo roon?” tanong ko.
“A-ano t-teka, ku-kuwan alas-nuwebe… tama alas- nuwebe nga.”
Napatangu-tango ako. Parang alanganin ang sagot niya. Pagkatapos niyang sumagot ay nagtungo na sa aming silid.
Sumunod ako sa kanya pagkalipas ng ilang mi nuto. Naratnan kong nakalatag ang katawan niya sa kama, hubad.
“Leo, halika “ano” tayo…”
Napalunok ako. Ganito yata talaga ka-“L” si Mariz. At hindi ko pinalampas ang pagyayaya niya. Uhaw si Mariz. Ito ba ang pinaghihinalaang me lalaki?
Kinabukasan ay nagpaalam ako kay Mariz na pupunta sa POEA.
Pagbalik ko kinahapunan ay wala si Mariz sa bahay. Ang aming anak ay nakahabilin sa kapitbahay.
(Itutuloy)
- Latest
- Trending