^

True Confessions

Ulag (45)

-

(Kasaysayan ni  L.B.G)

DALAWANG sulat pa ang natanggap ko mula sa aking kamag-anak at pawang nagsasabing “naaawa” siya sa akin dahil sa ginagawa ng aking asawa. Hindi na raw niya kayang mag­bulag-bulagan sa naki­kitang “paglalaro ng apoy” ng asawa kong    si Mariz. Hindi lamang daw siya gumagawa ng kuwento para paghiwa­layin kami ni Mariz. Ang sa kanya raw ay para makagawa ako ng hak­bang laban sa aking asawa.

At ang mga sulat na iyon ang naging dahilan para mapilitan akong umuwi at hulihin sa  akto ang aking asawa. Pinag-aralan ko ang mga ga­gawin. Huhu­lihin ko sila para matibay ang ebi­den­siya.

“Buo na ang plano ko, Sam. Uuwi ako sa isang linggo.”

Bahagyang nagulat si Sam.

“A e mabuti Bro para makapag-imbestiga ka. Huwag mo lang kalili­mutan ang sinabi ko — maging positibo ka sa lahat ng oras. Huwag kang gagawa nang ika­papahamak mo. Paki­usap lang Bro…”

Tumangu-tango ako.

Madali akong naka­kuha ng ticket. Naayos ang lahat sa biglaan kong pag-uwi. Si Sam la­mang ang nakaalam sa biglaan kong pag-uwi.

Si Sam din lang ang naghatid sa akin sa airport. Nang maghihiwa-lay na kami, binigyan ako ng pera ni Sam.

“Baon mo Bro. H’wag mo lang kalimutan ang paalala ko.”

“Salamat Sam.”

“Bumalik ka na wa­lang sugat, Bro.”

(Itutuloy)

HUWAG

MARIZ

SALAMAT SAM

SHY

SI SAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with