^

True Confessions

Ulag (25)

- Ronnie M. Halos -

(Kasaysayan ni L.B.G.)

PERO nang makapasok si Sam sa bahay ay nakadama ng takot si Sam. Kung sa mga naka­ raang adbentura ni Sam ay hindi siya nakadama ng takot, ngayon ay na­kapagtatakang kinaba­-  han siya. At kapag gano­ong kinabahan siya, may mangyayari.

“Lina, saka na lamang tayo magkita,” sabi ni Sam.

“Bakit Kuya?”

“Di ba kanina natatakot ka?”

“Oo Kuya pero ngayon wala na.”

“Kapag ako ay naka­ ram­dam ng kaba, tiyak na may mangyayari. Lalabas na lang uli ako ha pero sa sunod na Biyernes na lang tayo magkita ha, Lina?”

“Sige Kuya. Baka nga kung ano ang mangyari.”

“Pero gusto kong mala­man mo Lina, na gusto kita…”

“Si Kuya naman am­bilis.”

“Basta gusto kita ha, Lina?”

Ngumiti lamang si Lina hawak nito ang maliit na plastic na may lamang singsing.

“Ingatan mo ang sing­sing ha, Lina.”

“Oo Kuya.”

“Babalik ako sa Biyer­nes, ganito ring oras. Doon sa dati nating pinagkiki­taan…”

Tumango si Lina.

Nagmamadaling luma­bas si Sam. Naglakad patungo sa disyerto kung saan siya nagdya-jogging. Hindi siya maaaring mag­kamali sa kanyang kutob na may mangya­yari dahil sa biglang salakay ng kaba.

Makaraan ang isang oras na pagdya-jogging   ay umuwi na si Sam. Sa harapan ng bahay na pi­naglilingkuran ni Lina siya muling nagdaan.

Hindi makapaniwala si Sam sa nakita. Nakapara­da sa harapan ng bahay ang dalawang sasakyan – parehong Suburvan na     sa anyo ay tila kararating lamang at katatapos la­mang ibaba ang mga bagahe. Nahulaan ni Sam na dumating na ang mga amo ni Lina buhat sa ba­kasyon.

Napa-tsk-tsk si Sam habang naglalakad palayo at paminsan-minsan ay lumilingon sa dalawang sasakyang nakaparada. Naisip niya, kung hindi sinunod ang kutob kanina, siguradong mahuhuli siya sa loob ng mga amo ni Lina. At paano kung mahuli sila habang magkapatong ni Lina. Napa-tsk-tsk si Sam. Tama talaga na sun­din ang kutob. Salamat sa kutob niya at naiwasan ang kapahamakan.

Pero hindi iyon naka­pigil para hindi na ituloy ang plano niya sa maid na si Lina. Kailangang matik­man niya si Lina.

Sumunod na Biyernes, ganun uli ang ginawa   niya. Maagang bumangon, nag­bihis ng pang-jogging at tinungo ang lugar na kanilang tagpuan ng maid.

Nauna si Sam sa tagpu­an. Maya-maya ay heto na si Lina.

“Kuya!”

“Ba’t ngayon ka lang, Lina.”

“Marami akong ginaga­ wa?”

“Aalis ba ang mga amo mo?”

“Hindi Kuya.”

“Maaari ka bang ma­ka­­la­bas sa bahay?”

“Hindi Kuya. Mahigpit sila.”

Problemado si Sam. Lalo lamang tumitindi ang pagnanasa niya kay Lina habang tumatagal. Kaila­ ngang makaisip siya ng paraan kung paano maa­angkin si Lina na alam na rin naman niyang gusto siya.

(Itutuloy)

vuukle comment

HINDI KUYA

LINA

SAM

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with