Ulag (ika-23 na labas)

(Kasaysayan ni L.B.G.)

DUMATING ang Bi­yernes. Nakahanda na ang singsing na naka­lagay sa isang plastic na kuwadradong lalag­ yan. Inilagay iyon sa bulsa ng jogging pant at eksaktong alas-sing­ko ng umaga ay nagla­ kad na si Sam patungo sa bahay ng amo ni Lina na di-ka­layuan sa hotel ng tirahan nina Sam.

Madilim pa ang pa­ligid at katulad ng dati    ay wala pang nag­la­lakad sa kalye. Kaunti pa rin naman ang mga sasak­yan sa kalye.

Pasipul-sipol pa si Sam habang naglala­kad at madalas na kina­kapa ang lalagyang plastic na may singsing.

Malayo pa ay nata­naw na ni Sam na may babaing lumabas sa gate — si Lina na iyon. Naka­dama ng kasiya­han si Sam sapagkat sumunod sa utos niya si Lina. Sigu­ro’y gusto ring matiyak kung totoo ang pangako na bibig­yan siya ng sing­sing.

Mabilis na tinungo ni Sam ang kinaroroonan  ni Lina.

“Hi Lina!”

“Hello Kuya.”

Iniabot ni Sam ang lalagyang plastic na may singsing sa loob.

“Ano ito Kuya?” kun­wari pa si Lina.

“Singsing. Yung si­na­bi ko sa’yo.”

Bantulot sa pag-abot si Lina.

“Kunin mo Lina.”

Kinuha ni Lina.

“Salamat Kuya,” sabi at mahigpit na hina­wakan ang lalagyan ng singsing.

“Yun lang? Salamat lang?” sabi at nagtawa si Sam.

“E ano ba Kuya?”

“Hindi mo ba ako aan­yayahan sa inyo?”

“Ay bawal yon Kuya. Masama.”

“Biro lang. Alam kong bawal. Pero wala ka talagang balak na iganti sa akin?”

Nang biglang kumis­lap ang mga mata ni Lina.

“Sa Biyernes, wala ang mga amo ko, Kuya. Papapasukin kita sa loob. Ipaglu­luto kita ng gusto mo…”

Parang ibig mag­lu­lun­dag ni Sam.

“Sige sa Biyernes ha? Anong oras, Lina?”

“Ganito rin, Kuya.”

(Itutuloy)

Show comments