Ulag (ika-23 na labas)
(Kasaysayan ni L.B.G.)
DUMATING ang Biyernes. Nakahanda na ang singsing na nakalagay sa isang plastic na kuwadradong lalag yan. Inilagay iyon sa bulsa ng jogging pant at eksaktong alas-singko ng umaga ay nagla kad na si Sam patungo sa bahay ng amo ni Lina na di-kalayuan sa hotel ng tirahan nina Sam.
Madilim pa ang paligid at katulad ng dati ay wala pang naglalakad sa kalye. Kaunti pa rin naman ang mga sasakyan sa kalye.
Pasipul-sipol pa si Sam habang naglalakad at madalas na kinakapa ang lalagyang plastic na may singsing.
Malayo pa ay natanaw na ni Sam na may babaing lumabas sa gate — si Lina na iyon. Nakadama ng kasiyahan si Sam sapagkat sumunod sa utos niya si Lina. Siguro’y gusto ring matiyak kung totoo ang pangako na bibigyan siya ng singsing.
Mabilis na tinungo ni Sam ang kinaroroonan ni Lina.
“Hi Lina!”
“Hello Kuya.”
Iniabot ni Sam ang lalagyang plastic na may singsing sa loob.
“Ano ito Kuya?” kunwari pa si Lina.
“Singsing. Yung sinabi ko sa’yo.”
Bantulot sa pag-abot si Lina.
“Kunin mo Lina.”
Kinuha ni Lina.
“Salamat Kuya,” sabi at mahigpit na hinawakan ang lalagyan ng singsing.
“Yun lang? Salamat lang?” sabi at nagtawa si Sam.
“E ano ba Kuya?”
“Hindi mo ba ako aanyayahan sa inyo?”
“Ay bawal yon Kuya. Masama.”
“Biro lang. Alam kong bawal. Pero wala ka talagang balak na iganti sa akin?”
Nang biglang kumislap ang mga mata ni Lina.
“Sa Biyernes, wala ang mga amo ko, Kuya. Papapasukin kita sa loob. Ipagluluto kita ng gusto mo…”
Parang ibig maglulundag ni Sam.
“Sige sa Biyernes ha? Anong oras, Lina?”
“Ganito rin, Kuya.”
(Itutuloy)
- Latest
- Trending